Hiwalay na Pagsisiyasat, Isasagawa ng NBI sa Sex-For-Flight Scandal

KINUMPIRMA NI Justice Secretary Leila de Lima na nagsasagawa na rin ng hiwalay na pagsisiyasat ang National Bureau of Investigation (NBI) hinggil sa tatlong mga Pinay na lumantad kontra sa mga labor officials na sangkot sa sex-for-fly scandal.

Ayon kay De Lima, nakausap na rin ng NBI ang isa sa tatlong Pinay na biktima ng nasabing kontrobersiya para sa kanilang hiwalay na pagsisiyasat.

Sinabi ng kalihim na nakipagpulong na rin sa kaniya si Rep. Walden Bello at hiniling umano ng tatlong mga lumutang na biktima ng sexual exploitation ang government protection dahil sa mga natatanggap na banta sa buhay.

Samantala, naghihintay na lamang ang NBI ng resulta ng imbestigasyon na ginagawa ng DoLE at ng DFA para sa pagpatuloy ng kanilang masusing pagsisiyasat.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.