Hiwalay na nga kay Vic Sotto? Pia Guanio, ‘di na sumipot sa Eat… Bulaga!

EVEN PEOPLE WHO are close to Vic Sotto and Pia Guanio are at a loss kung ano nga ba ang estado ng magkasintahan. Talks are rife na hiwalay na raw ang dalawa, such buzz even wilder dahil wala ninuman sa kanila has spoken about the issue.

Isang malapit kina Bossing at Pia ang nakausap ng inyong lingkod, siya ang nag-initiate ng topic out of the blue. Maging ang taong ‘yon ay nagtataka kung bakit laganap ang tsismis.

“Ang iniisip ko lang, siguro ang kagandahan sa magnobyong may edad na, eh, mas may control sila sa issue. Tingnan mo, meron bang isa sa kanila ang nagsalita?” opniyon nito.

Nito ngang Sabado ay no-show si Pia sa Eat Bulaga, nagbabakasyon daw ang TV host sa Thailand. Pero huwag na raw gawing sukatan ‘yon ng tuluyan nang paghihiwalay nila ni Bossing.

Impormasyon pa ng aking kausap, “Sa September, ang Eat Bulaga, eh, pupunta sa L.A. (Los Angeles). ‘Pag hindi sumama si Pia roon, ‘yun na ang pruweba, hiwalay na nga sila ni Vic.”

Kapapasok lang ng buwan ng Hulyo nang ibinalita namin ang news item na ito sa Tweetbiz. Its host Tim Yap, said to be the source, now has a strained friendship with Pia. Pero kagyat naman itong nilinaw ni Tim, saying that he and Pia, in fact, had gone on dates several nights, pero wala naman daw itong ikinukuwento tungkol sa umano’y break-up nila ni Bossing.

Parang ang tagal naman ng September kung hihintayin pa natin ang ‘di pagsama ni Pia sa L.A. to validate the news about their split-up. Between July and September, anything may just crop up na ikagugulat na lang natin.

SA DARATING NA July 14 and the Wednesday thereafter ay mapapanood na ang two-part episode ni JC de Vera sa kanyang 5 Star Specials on TV5. Pinamagatan itong Gabriel Molave at ang Mahiwagang Arnis mula sa direksiyon ni Eric Quizon.

This is supposed to be the last of JC’s specials, having been the third celebrity featured in the program na sinimulan ni Maricel Soriano at sinundan ni Ruffa Gutierrez.

Action-fantasy ang tema ng naturang episode. Kakaibang atake naman sa pagganap ang ipinamalas ng aktor, this time with Kaizz (Eric Quizon) na kakaiba rin ang approach to this genre. Alas otso y medya ng gabi ang 5 Star Specials na siyempre pa’y humahataw rin sa ratings.

BLIND ITEM: ANG malaking kargada marahil ng mahusay na aktor na ito ang dahilan kung bakit hindi siya mabitawan ng kanyang director-mentor. ‘Yun ay kahit pa sabihing maugong ang tsismis na bukod kay direk ay dyowa rin ng isang TV executive ang aktor na well-endowed down there.

Deadma na lang si Direk sa tsismis na meron na siyang kahati. Katuwiran niya, hangga’t hindi raw nahuhuli ng kanyang mga mata na tsinu… pa ng gay TV executive na ‘yon ang kanyang dyowa ay pag-aari pa rin niya ito.

Kunsabagay, yummy naman talaga ang aktor. Puwede nga siyang ipalaman sa tinapay, eh. Getlak mo na, Kuya Dani?

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleZanjoe Marudo, gustong makipagbalikan kay Mariel Rodriguez?!
Next articleAnak ni Piolo Pascual, galit kay KC Concepcion?!

No posts to display