HIWALAY NA KAY GERALD? Bea Alonzo, ‘single’ ang official status!

BEA ALONZO

ANG AKALA KO, okey na ang lahat nang mapabalita na peace na sina Bea Alonzo at Gerald Anderson ng matsismis na split na ang dalawa noong panahon na si Gerald ay natsi-tsismis sa leading lady niya na si Pia Wurtzbach nang gumawa sila ng pelikula.

Sa katunayan, namatay ang tsismis ng “hiwalay” na sila nang si Gerald ay nag-show sa Europe (Greece) at nag-sidetrip ito sa London at ang aktres ay sumunod sa katipan.

In short,waley effect ang tsika na hiwalay sila.

Sa recent presscon ng Star Cinema movie ni Bea na “Kasal” with Paulo Avelino at Derek Ramsay ay wala nag-attempt during the open forum, at nagtanong tungkol sa estado ng “relasyon” nila ng aktor (na never naman nila inamin sa publiko na sila  ay magkarelasyon).

Sa press launch, open ang topics. Oks sa mga artista pagusapan ang kasal, sex before marriage, divorce pero no one dared to ask Bea sa estado ng relasyon nila ni Gerald.

Pero say ng aktres, single na muli siya. In short, reading between the lines ay waley na sila ng boyfriend niya na si Gerald but they remained good friends pa rin ng binata habang si Gerald ay nasa Romblon in the Visayas na kaulayaw ang mga alon ng beach na pinuntan.

Sa totoo lang, sa past relationship ng aktres with Zanjoe Marudo, never isiniwalat ng dating mag-partner ang dahilan.

Sey lang ni Bea about her relationship with Gerald sa panayam ng kaibigan MJ Felipe for Bandila: “Technically ay wala na sila ni Gerald.”

Ngayon na hiwalay na rin sila ng aktor, hindi ibinunyag ng dalawa ang dahilan ng kanilang split-up

Sa May 16 na pala ipapalabas ang Kasal na dinirek ni Ruel Bayani.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

loading...

3 thoughts on “HIWALAY NA KAY GERALD? Bea Alonzo, ‘single’ ang official status!

  1. Hindi totoo, pinaglalaruan lang kayo ni sa-loob-ang-kulo girl. Nagpapa-cute at classy kuno, TH naman. Di nyo na dapat biningiyan ng article ang liar na yan, sayang sa space.

  2. Bea is beautiful and a good actress. She should take it slow when it comes to diving into a relationship. Give yourself a break Bea. Someday, your real prince charming will appear in your doorstep. Huwag madaliin ang magka-bf. Just saying.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.