HIV/AIDS Cases sa Region 6, 223 na

SA MGA naitalang kaso ng HIV/AIDS sa Region 6, seafarers ang nangunguna sa listahan ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na infected ng nasabing disease.

Aabot sa 48 na OFW seafarers ang positibo sa kaso ng HIV/AIDS, ayon ito sa record ng Department of Health (DOH) Reg. 6.

Labing apat naman ang nag-positibo sa HIV/AIDS sa mga landbase contractual workers, walo ang mga domestic helper, pito ang skilled laborer, dalawa ang paramedical workers at isang entertainer.

Ayon pa rin sa DOH Reg.6, una sa listahan ng positibo rin sa HIV/AIDS sa mga lokal na biktima, ang mga asawa na u-mabot sa 17; 16 naman ang mga nurse; 12 ang call center agents, siyam ang mga self-employed; walo ang office employees; walo ang waiters o bartenders; lima ang mga estudyante; apat ang mga tourist guide; lima ang mga negosyante; apat ang mga guro; limang medical representatives at mayroon ding abogado, ilang kabilang sa media, pulis at doktor.

Sa pangkalahatang bilang, aabot sa 223 na kaso ng HIV/AIDS ang naitala sa Reg.6 mula 1994 hanggang sa kasalukuyang taon, kung saan nadagdagan ng 56 na kaso. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.