HIV positive, ‘wag i-discriminate

NANAWAGAN ANG Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) at ang grupong Pinoy Plus Association, Inc. (PPAI) sa mga employer na huwag pairalin ang diskriminasyon kontra sa mga tranahador na positibo sa human immunodeficiency virus (HIV).

Nagbabala si Gerard Seno, executive vice president ng Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) sa patuloy na umiiral at kumakalat ang iba’t ibang uri ng diskriminasyon laban sa mga HIV positive maging sa lugar na kanilang pinagtatrabahuhan.

Nabatid aniya nila na may mga trabahador na HIV positive ang inaalis sa trabaho o kaya nama’y hinaharang ang promosyon.

Mayroon naman aniyang mga aplikante pa lang ay hindi na tinatanggap ng ilang employer dahil sa pagiging HIV positive ng mga ito.

Nanawagan rin si Seno sa Department of Labor and Employment (DOLE) na mahigpit na ipatupad ang kanilang department order na naglalaman ng panuntunan ng pagsugpo sa HIV at AIDS sa mga lugar na pinagtatrabahuhan.

Base sa pinakahuling tala noong Pebrero 2014, sinasabing may 486 bagong kaso ng HIV sa bansa.

Inihayag pa ni Seno na magsasagawa sila ng press conference ngayong araw para ipahatid sa pamahalaan ang kanilang panawagan laban sa diskriminasyon ng mga manggagawang positibo sa HIV.

Ito ay bahagi ng paggunita sa International Workers Memorial Day.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.