HIV Case sa ‘Pinas, Dumami pa

NAKAPAGTALA ANG Department of Health (DoH) ng mahigit 400 bagong kaso ng human immunodeficiency virus (HIV) sa Pilipinas noong Setyembre 2013.

Lumalabas sa September 2013 Philippine HIV and AIDS Registry Report ng DoH-National Epidemiology Center (NEC), umaabot sa 427 bagong kaso ng sakit ang naitala sa bansa.

Ito ay mas mataas ng 35 porsiyento, kumpara sa 316 na kaso na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Sa 427 bagong kaso, 41 ang full-blown acquired immunodeficiency syndrome (AIDS) case na nang maireport.

Dahil sa nabanggit na mga bagong kaso, umaabot na sa 3,581 ang kaso ng HIV-AIDS sa Pilipinas ngayong 2013 habang umabot naman ito sa 15,283 kaso simula nang gawing regular ng DoH ang monitoring sa sakit noong 1984.

Karamihan sa mga kaso ng HIV ay naitala sa National Capital Region (NCR), Region 3, Region 4A, Region 7, at Region 11.

Samantala, napag-alaman na mahigit sa siyam katao sa bawat 10 bagong kaso ang nahawa sa sexual transmission, at karamihan ay mula sa men-having-sex-with-men (MSM) population.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.