‘Hitler’ ni PNoy, pinalagan ng Tsina

“OUTRAGEOUS AND totally unreasonable”

Ito ang naging tugon ng Tsina sa ginawang pagkum-para ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III sa mga lider ng kapit-bahay na bansa sa Nazi Germany leader na si Adolf Hitler.

Ayon kay Chinese Foreign Ministry spokesman Hong Lei sa lumabas sa report ng state news agency na Xinhua, inihayag nitong “The Chinese side is shocked and dissatisfied.”

Maaalala na sa panayam ng “The New York Times”, nanawagan ang punong ehekutibo sa ibang bansa na suportahan ang Pilipinas kontra sa Tsina para hindi matulad ang ipinaglalabang West Philippine Sea sa Sudetenland na napunta kay Hitler.

Umani ng batikos ang Pangulong Aquino partikular mula sa isang komentaryo sa Xinhua, na tumawag sa kanya bilang ‘bagito at ignorante’.

Bagay namang hindi pinalagan ng Pangulo dahil ang umano’y pangungutya ng Chinese media ay patunay lamang na lehitimo ang iginigiit na karapatan ng bansa sa West Philippine Sea.

Iginiit pa ng opisyal mula Tsina na nag-ugat lamang ang naturang gusot sa “illegal invasion of the Nansha Islands” ng Pilipinas.

“China is a country which resolutely upholds international justice and made huge sacrifices for victory during the global anti-fascist war and a historical contribution which cannot be obliterated. Talking about China and the Philippines’ South China Sea dispute in the same breath as World War Two is outrageous and totally unreasonable.”

“China strongly opposes what the Philippines said. China is resolute in safeguarding its territorial sovereignty and committed to handling the situation through bilateral negotiations.” Ayon sa Chinese Foreign Ministry spokesman.

“We hope the Philippine side will correct its mistakes and work with us to jointly maintain the peace and stability of the region.”

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.