Hiro Peralta, tinanggihan ang condo, sasakyan at pera mula sa dalawang bading

Hiro-PeraltaVERY VOCAL ang Tween Star na si Hiro Magalona Peralta sa pagsasabing dalawang mayayamang bading ang nag-o-offer sa kanya ng mamahaling sasakyan  (sports car) at condo unit kapalit ang pakikipagrelasyon at pakikipag-sex sa mga ito.

Bukod nga sa offer na sasakyan at condominium, may kasama pa itong malaking halaga ng pera. Pero kahit nga very tempting ang offer ng mga ito ay mas pinili ni Hiro na ‘wag na lang tanggapin ang offer ng dalawang bading.

Mas gusto raw nitong magkaroon ng mamahaling gamit na gusto niya mula sa kanyang kinita sa pag-aartista. Alam daw nito na sa ngayon ay hindi ganoon kabilis magkaroon ng mamahaling sasakyan o isang magarang condominium, pero  alam daw nito in time at sa sipag at pagtitiyaga sa kanyang propesyong pinasok ay magkakaroon siya ng mga ito na hindi niya kailangang gamitin ang kanyang katawan.

Hanggang ngayon daw, kinukulit pa rin siya ng dalawang bading, pero lagi niya itong tini-turn down sa mahusay na pakikipag-usap. Ayaw raw nito na matulad sa ibang mga kabataang artista na natsitsismis ngayon na pumapatol sa mga mayayamang bading kapalit ng kani-kanilang luho sa katawan.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

One thought on “Hiro Peralta, tinanggihan ang condo, sasakyan at pera mula sa dalawang bading

Leave a Reply

Your email address will not be published.