Hiro Peralta, pinasok na rin hosting via “Unang Hirit”

Hiro Peralta
Hiro Peralta

From acting ay napanonood na ring mag-host ang Kapuso prime actor na si Hiro Peralta na ilang araw nang napanonood bilang segment host sa “Unang Hirit“.

Marami ngang nakapanood ng hosting stint ni Hiro ang nagsasabi na puwedeng-puwede nang bigyan ng hosting job si Hiro Peralta para mas mahasa pa ito at mapabilang sa mga mahuhusay na host sa bansa.

Very challenging nga raw kay Hiro ang pagsabak sa hosting, pero ini-enjoy raw nito ang bagong mundong pinasukan. At habang hinihintay pa nito ang kanyang next soap sa GMA, ang hosting muna ang kanyang pagkakaabalahan.

Nagpapasalamat nga raw ito sa bumubuo ng “Unang Hirit” sa pagkakataong ibinigay sa kanya para maging guest segment host. Wish nga nito na maging regular siya para mas mahasa pa ang kanyang hosting skills.

John’s Point
by John Fontanilla

Previous articleDaniel Padilla, malamang daw na naging pro-Bongbong Marcos
kung mas nauna ang offer nitong P25-M kaysa sa P10-M ni Mar Roxas
Next articleJon Lucas, dalawang pelikula ang gagawin ngayong taon

No posts to display