Hiro Peralta, naniniwalang ‘di masama ang magpa-drug test

Hiro Peralta

Hiro Peralta

Sunud-sunod ang mga artistang nag-a-undergo sa drug test para patunayang malinis sila at hindi gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.
Habang ang iba naman, willing magpa-drug test para na rin suportahan ang kampanya ng gobyerno againts drugs at para na rin maging magandang ehemplo sa kanilang mga supporters na ‘wag gumamit ng droga at ‘wag matakot magpa-drug test kung nararapat kung alam naman nito sa kanyang sarili na malinis siya at hindi gumagamit ng droga.
Isa nga sa willing magpa-drug test ay ang Kapuso teen actor na si Hiro Peralta. Ayon sa GMA prime artist, wala naman daw masama sa pagpapa-drug test, lalo’t alam mo naman na negatibo ka.
Ito na rin daw ang paraan para mahikayat ang kanyang nga kapwa Kapuso stars na magpa-drug test katulad ng iba pang artistang nauna nang nagpa-drug test at nag-negatibo sa droga.

 

Rose Fostanes

Rose Fostanes

X Factor Isreal winner Rose Fostanes, may pelikula sa Israel

Mula sa pagiging mahusay na mang-aawit, nais din daw subukan ng X Factor Israel winner na si Rose “Osang” Fostanes na subukan ang pag-arte sa Pilipinas.
Minsan na nga rin daw umarte si Osang sa kauna-unahan nitong pelikula sa Israel na nakatakdang ipalabas bago matapos ang taon, kung saan ginampanan nito ang isang Pinoy OFW na napadpad sa Israel.
Dito nga raw nalaman ni Osang na nakaaarte siya. “At first nagdawang isip talaga ako na tanggapin ‘yung movie, kasi hindi naman ako actor dahil singer ako.
“Pero sinabihan ako ng director at producer na halos pareho raw sa totoong buhay ang gagampanan ko, isang OFW na nagtatrabaho sa Israel.
“So, ako naman sabi ko, subukan ko, ‘pag ‘di ko nakaya, magku-quit ako. Kaya nu’ng first shooting day, kabado talaga ako. Pero after nang unang eksena ko, sinabihan ako ng director na nakaaarte raw ako.

“Hangang sa nakasanayan ko na at naging ok na ako sa mga sumunod na shooting.”
Pero kahit gusto ngang pasukin ni Osang ang pag-arte, hindi naman daw nito tatalikuran ang pag-awit lalo na’t ito raw talaga ang kanyang first love.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.