Hiro Magalona, papatol kay Kiray!

BLIND ITEM: NAKAKALOKA ang drama ng isang aktor mula sa isang primetime soap dahil kahit nga may regular show ito, panay pa rin ang emote nito sa isang kaibigang bading na bigyan siya ng raket.

Ang buong akala raw ng kaibigan nitong bading ay raket as in provincial o mall show. Pero la-king gulat nito ng prangkang sinabi ng aktor na ibang booking, as in ipakilala raw siya sa mayayamang bading , dahil kapos daw siya at kailangan niya ng pambayad sa kuryente at kung anu-ano pang gastusin nito sa buhay.

Panandalian daw na natulala ang bading nitong kaibigan dahil kahit daw kasi may mga isyung ganito si Aktor, hindi raw ito naniniwala. Pero nang sa kanya na humingi ng tulong ang actor, tsaka lang niya na-realize na totoo pala na pa-booking ang kaibigang aktor.

Sinabihan pa nga raw ang nasabing bading na ‘wag maingay at sila lang dapat ang makaalam. Dahil sa pagkalito ay napa- oo na lang ang bading na naloka sa pagiging bulgar ng kausap na aktor. Sino ang nasabing actor? hulaan na!!!

 

NAG-FIRST SHOOTING DAY na ng kanyang kauna-unahang pelikula ang young actor na si Hiro Magalona under Regal Films, ang Ded na Ded sa U, kung saan kasama niya sa eksena ang ABS-CBN young star na si Kiray Celis na lalabas na GF nito sa nasabing pelikula na idinidirehe ng mahusay na direktor na si Joel Lamangan.

May mga nagbiro nga kay Hiro na kung sa totoong buhay ba ay puwede siyang ma-in love kay Kiray, na mabilis naman nitong sinagot na: “Bakit naman hindi ! Ang mahalaga naman sa akin kasi ‘yung maganda ang ugali at aprubado at close ng pamilya ko. Kahit ano pa ang hitsura niya, basta mahal ko siya at mahal ng pamilya ko, okey lang walang problema sa akin. Pero mas maganda ‘yung maganda na at maganda rin ang ugali. Hahaha! At ka-close ng mga magulang, kapatid at kamag-anak ko. Kasi malaki ang pamilya namin at very close sa isa’t isa.”

Very thankful daw si Hiro kay Mother Lily Monteverde at Ma’am Roselle Monteverde dahil isinama siya sa Ded na Ded sa U, kung saan makakasama niya rito bukod kay Kiray sina Gabby Concepcion, Ruffa Gutierrez, atbp.

Bukod sa nasabing pelikula, kasama rin si Hiro sa Shake, Rattle & Roll 13 na siyang entry ng Regal Films sa MMFF.

 

NAGING MAKAHULUGAN ANG 21st birthday ni Rhian Ramos sa pagdating ng kanyang pinakamamahal na ama na naka-base na sa Thailand. Nagdiwang si Rhian ng kanyang birthday sa isang dinner cruise, kasama ang kanyang buong pamilya.

Bukod sa napakagandang regalo kay Rhian sa kanyang kaarawan ang pagdating ng kanyang ama, very meaningful din ang kanyang celebration sa pag-participate ni Rhian sa Kiss Goodbye to Breast Cancer, ang Avon Walk para sa Breast Cancer Awareness na gaganapin sa October 9.

Aware daw si Rhian sa Breast Cancer issue dahil nagkaroon ng Malignant Cyst ang kanyang ina at ito ang dahilan kaya sinusuportahan niya ang kampanya laban sa nabanggit na karamdaman. At sa October 14, ang mga batang may Cancer sa Child Haus ang makakapi-ling ni Rhian. Ito ay naging panata na ni Rhian taun-taon, ang pasayahin ang kabataan sa Child Haus sa tuwing sasapit ang kanyang kaarawan.

 

John’s Point
by John Fontanilla

4 thoughts on “Hiro Magalona, papatol kay Kiray!