Hiro Magalona, naospital dahil sa maling pagre-reduce!

NAKALABAS NA NG ospital (Capitol Medical Hospital ) ang young actor na si Hiro Magalona dahil sa sobrang pananakit ng tiyan at nakapag-Party Pilipinas na noong Linggo. Ang rason daw ng pamimilipit nito sa sakit ng tiyan ay ang maling pagre-reduce.

Ayaw raw kasing tumaba ni Hiro kaya naman daw ‘di ito kumakain kapag nasa taping, at maging sa bahay nila, hindi rin daw ito masyadong kumakain. Kaya naman ang tendency ay magkaroon ito ng peptic ulcer at ‘pag di naagapan ay baka magka-ulcer na ito.

Sa sobrang dami daw ng ginagawa nito sa ngayon, kung saan tatlo ang kanyang regular shows sa GMA-7, ang Tween Hearts, Iglot at Walang Tulugan with the Master Showman, at may dalawang pelikula pa itong gagawin sa Regal Films bilang Regal Baby, ang Dead na Dead at Shake, Rattle and Roll, kailangang kumain daw ni Hiro dahil lagi itong puyat para makabawi, ayon na rin sa doctor, or else, magkakasakit daw ito.

 

PIPILITIN DAW SUNGKITIN ng pambato ng Pilipinas ang 2011 Look of the Year na gagawin sa Milan Italy ngayong October sa katauhan ng 19 years old, 4th year BS Tourism student sa University of Sto. Tomas na si Jea-Ann Finuliar.
Ang Look of The Year ay taunang patimpalak para sa mga natatanging modelo sa buong mundo na ang mananalo ay magiging isa sa mga top ramp model sa Milan. Kaya naman daw willing mag-topless si Jea-Ann sa rampahan sa Look of the Year, kung magkakaroon at kinakailangan para lang patunayan na ang modelong Pinoy ay kayang makipagsabayan sa mga modelo around the globe at para maiuwi ang titulo ng Look of The Year 2011.
Kaya naman nu’ng Lunes, lumipad si Jea-Ann patungong Milan kasama ang kanyang mentor na si Jaime Acosta, president ng Psalmstre Enterprise, at si Ovette Ricaldre, franchisee ng local Look of the Year search. Napili si Jea-Ann dahil sa kanyang features at look na mala-Melanie Marquez. Si Jea-Ann ay napansin  ni Mr. Acosta nang napili siyang Miss ABC Urdaneta noong 2007.
Fiteen years old lang noon si Jea-Ann, pero kinakitaan na agad ito ni Mr. Acosta ng galing sa pagrampa. Bago sumabak sa Look of the Year 2011 si Jea-Ann, dumaan muna siya sa mahigpit na training in modelling under John Powers.
WALANG KAABUG-ABOG AT prangka daw na sinabihan ni Daiana Menezes ang kanyang BF na si Direk GB Sampedro na ‘wag muna siyang buntisin dahil hindi pa ito handa  at naintindihan naman daw ito ng mabait na direktor.

“Pero hindi naman ako ganoon kaharot! Don’t worry. How do you say that para hindi masyadong bastos? ‘Huwag ‘yung malandi. Malandi is bastos, eh. Siyempre I’m not playing the virgin side here. Kinokontrol ko rin ang sarili ko. Siyempre, ayoko ring mabuntis!”

Tsika pa nito na naka-schedule daw ang kanyang pagbubuntis in five years from now pa.
“Oo, ini-schedule ko. Maybe after five years. Mga lolo na siya by that time! Joke! Ha! Ha! Ha! Hindi, ‘yung harutan ang ibig naming sabihin? Ha! Ha! Ha! Huwag ninyong palalabasin ’yon! Ha! Ha! Ha! Lagot ako! Baka makita ko sa tabloid na, ‘Daiana, baka maging lolo na si GB’. I’m not sure kasi I really want to know the person before I get into a serious, serious relationship talaga!” ‘Yun na!

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

3 thoughts on “Hiro Magalona, naospital dahil sa maling pagre-reduce!

  1. hiro,kumain ka.. bwal mgkasakit.. mmimiss k nmin sa tv pgngksakit k.. cge k.. hehehe.. excited n kmi sa mga movie mo.. we’ll surely watch it.. we love u hiro!!! gayfairy, i agree with you.. hahaha.. :)

Leave a Reply

Your email address will not be published.