Hiro Magalona, na-starstruck kay Kathryn Bernardo!

NA-STARSTRUCK ANG YOUNG actor at birthday boy na si Hiro Magalona nang makita nito nang personal ang ABS-CBN star na si Kathryn Bernardo na kasama niya sa pelikulang Shake, Rattle & Roll 13 sa episode na ‘Parola’ ng Regal Films.

First time daw kasing nakita ni Hiro si Kathryn at kung maganda raw ito sa TV, mas maganda raw pala ito sa personal, bukod sa mabait pa. Pabiro ngang sinabi ng binatang Magalona na magandang regalo raw sa kanyang kaarawan last Nov. 7 ang makita niya at ma-kilala si Kathryn.

Bukod kay Kathryn makakasama rin ni Hiro sa SR&R 13 sina Louise Delos Reyes at Sam Concepcion. Ka-join din si Hiro sa isa pang pelikula ng Regal Films na Ded na Ded Sa U na pinagbibidahan naman nina Ruffa Gutierrez at Gabby Concepcion, kung saan ka-loveteam naman nito rito si Kiray.

 

SA BIBIG NA mismo nina Shaina Magdayao at John Lloyd Cruz na pareho na nilang tinuldukan ang kanilang relasyon at parehong mamumuhay nang nag-iisa at hindi magkasama bilang GF/BF.

At kahit nga ang close sa pamilya Magdayao na si Kuya Germs Moreno ay nagsabi na rin na off na sina Shaina at John Lloyd kaya ‘wag na raw intrigahin ang dalawa. Hayaan na lang daw na mag-isip-isip muna ang mga ito, kung ano talaga ang naging ugat ng pagkakalabuan ng kanilang pagsasama.

Pero marami ang humuhulang ang pagiging babaero at sobrang pag-inom ang dalawa sa dahilan ng break-up nina Shaina at John Lloyd na pinatotohanan naman ni Ruffa sa kanyang interview with Mo Twister sa Paparazzi last Sunday, kung saan sa bibig mismo nito nanggaling na sobrang uminom si John Lloyd na lagpas na sa kanyang limit. Kaya naman daw everytime na nalalasing ito ay talagang bagsak at  binubuhat palabas ng venue kung saan ito uminom.

Inamin din ni Ruffa sa kanyang interview na si John Lloyd ang tumatawag sa kanya at unang nagti-text at saksi ang ilan sa mga malalapit nitong kaibigan sa pangungulit sa kanya ng aktor. Kaya naman daw ‘wag

siyang pagbibintangan na naninira ng relasyon ng dalawa, dahil meron naman daw siyang sariling lovelife.

Kaya naman daw hindi masisisi si Shaina kung sakaling magselos siya nang sobra dahil mahal niya si John Lloyd, at kahit nga raw ang pagi-ging lasenggero ni John Lloyd ay tinanggap din ni Shaina dahil na rin sa pagmamahal. Pero marahil ay napuno na ito kaya nagdesisyon na ring makipaghiwalay kay John Lloyd. ‘Yun na!

SOBRANG NALUNGKOT ANG isa sa pambato sa sayawan ng GMA-7 na si Julian Trono sa pagtatapos ng Futbolilits, dahil masydaong naging close daw ito sa kanyang mga artistang nakasama mula kina Raymart Santiago, Jennylyn Mercado hanggang sa mga batang nakasama nito sa nasabing primetime soap ng GMA-7.

Kahit nga raw ang mga staff ay nami-miss din ni Julian dahil masyado itong naging close sa mga tao sa likod ng produksiyon. Sa ngayon ay may dalawa pang show si Julian, ang Party Pilipinas at sa children show na Tropang Potchi.

Bukod sa telebisyon, gusto rin daw ni Julian na makagawa ng pelikula na may temang sayawan/drama, kung saan maipapakita nito ang kanyang galing sa pagsayaw at pag-arte. Gusto raw nitong makasama sa said film ang Bad Boy ng Dance Floor na si Mark Herras at ilan sa pambato sa sayawan ng GMA-7.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.