Hiro Magalona, ayaw kilalaning kamag-anak ni Pia Magalona?!

DEADMA NA lang daw ang young actor at ang bagong ka-lovetriangle ng Jabea (Jake Vargas at Bea Binene ) sa upcoming morning soap ng GMA 7 na Cielo De Angelina na si Hiro Magalona sa isyung ayaw siyang kilalaning kamag-anak ni Pia Magalona at nakiki-ride on lang ito sa mga Magalona sa paggamit nito sa apelyido.

“Ayaw ko na lang pong pansinin ‘yun, kasi kahit naman pagbali-baliktarin, Magalona pa rin ako. Bale ang full name ko ay Hiro Jhennel Magalona Peralta.

“Kamag-anak ng mama ko si Tito Francis Magalona, kaya totoong Magalona ako. Nakikita ko nu’ng bata ako na pumupunta sa mga gatherings ng family namin sina Tito Francis at Lolo Pancho.

“Pero kung ‘di nila ako kikilalanin bilang kamag-anak, okey lang po ‘yun, wala namang problema, hindi big deal sa akin ‘yun.

“Basta ang mahalaga sa akin, hindi ako pinababayaan ng GMA 7 at binibigyan nila ako ng trabaho. Like ito ngang Cielo de Angelina, kung saan ka-lovetriangle ako rito nina Jake Vargas at Bea Binene.”

Bukod sa nasabing soap na magsisimula nang mapanood sa Lunes, Oct. 22 ng 11:30 ng umaga, napapanood din si Hiro sa Walang Tulugan With The Master Showman tuwing Sabado ng madaling-araw at isa rin siyang Regal Babies ng Regal Films.

 

NALUNGKOT ANG host ng inaabangang bagong show ng TV5, ang The Amazing Race Philippines, sa naging desisyon ng dati niyang home studio (ABS-CBN) na bawal banggitin ang kanyang pangalan sa promo ng kanilang movie nina Anne Curtis at Andi Eigenmann sa alin mang shows ng Kapamilya Network.

Okey lang daw ito sa mahusay na actor na ngayon ay isa nang certified host ng Kapatid Network, dahil alam naman daw nito na part ‘yun ng consequences nang lumipat siya sa TV5. Basta sa ngayon daw ay masayang-masaya siya dahil ipalalabas na ang kanyang show.

Ito raw ang pinagtutuuan ng pansin ni Derek, dahil ang ganitong klase ng show ang gustung-gusto niyang gawin. Excited na nga raw ito sa pagpapalabas ng kanyang malaking show sa Kapatid Network.

 

MASUWERTE ANG isa sa tinaguriang trending sensation at certified platinum artist, kung saan platinum na ang kanyang self-titled album under GMA Records, dahil siya ang bagong image model ng clothing company na Get Laud.

Ginanap ang contract signing nito bilang latest addition sa pamilya ng clothing brand sa 8th floor ng Ace Hotel and Suites sa United cor. Brixton Sts., Pasig. Present sa contract signing sina Mam Gigi Laudencia (Get Laud President) na umaming isa sa rason kung bakit si Julie Anne ang kinuha nilang image model ay dahil fan siya ng magaling na singer/actress.  Kasama rin sa nasabing contract signing ang mga GMA Artist Center heads na sina Mr. Arsi Baltazar at David Fabros.

John’s Point
by John Fontanilla

Related Post

loading...

9 thoughts on “Hiro Magalona, ayaw kilalaning kamag-anak ni Pia Magalona?!

  1. pia , is a wndeful woman. she would never say or hurt anyone. If hero feels he s magalona, he doesn’t have to say anyting….. obvs kase he got a shw comng… good luck and lt evryn be happy.

  2. Base sa picture may dating siya compared sa mga anak ni pia. May karapatan siyang gamitin ang magalona Dahil part Talaga ng apelyido niya yun. Kung true na ayaw siyang kilalanin ni pia eh di wag, just try your best kung may talent ka naman eh di ok Lang .

  3. ang chooy naman ng pia yan kala mo naman ke gaganda at gwapo ng anak nya?! mapuputi lang anak mo no! si elmo paitimin mo lang hawig na ni kedebon no! payat lang si kedebon! tigas ng pagmumukha! feeling sikat eh puro semplang sa tv at takilya projects ng mga starlets mong anak! at pwede ba pia sa laki ng mata at kapal ng labi mo maging masaya ka dahil me ubod ng gwapo kayong kamaganak no! im not a gma fan im a solid kapamilya but i find hiro cute and charming…. though i will never watch his show in gmeeewww hahahahaha so good luck na alng papa hiro!

  4. Bat nila ayaw pansinin itong si hiro magalona eh ang gwapo gwapo feeling kc nila pia eh sikat sila kaya ayaw pansinin ang mga kamag anak…

    • May dugong Magalona yang Hiro kung pinsan nga ng mama niya si Francis. Si Pia ang walang dugong Magalona. Napangasawa lang niya isang Magalona.

Leave a Reply

Your email address will not be published.