Hiro Magalona at Kim Komatsu, grabeng mag-PDA?!

MARAMING NAGTATANONG SA amin kung mag-syota na raw ang isa sa pinakabagong loveteam ng GMA-7 na kinagigiliwan ng mga manonood  ng via Tween Hearts na sina Kim Komatsu at Hiro Magalona, dahil grabe raw mag-PDA (Public Display of Affection).

At kahit nga raw sa taping ng kanilang teen show, sobrang cheesy at sweet ng dalawang ito na animo’y lalanggamin sa sobrang ka-sweetan at hindi mapaghihiwalay habang on-going ang taping. At maging sa mga lakaran daw sa labas ay laging magkasama ang mga ito at sweet na sweet sa isa’t isa.

Kung sa bagay, marami naman ang nag-a-agree na bagay ang mga ito sa isa’t isa. Inihahalintulad nga ang mga ito sa pagsisimula ng career at loveteam nina Angel Locsin at Richard Gutierrez. Konting push nga lang daw at right project kina Kim at Hiro o Kimhiro sa kanilang hukbo-hukbong tagahanga, ‘di nga malayong maabot ng mga ito ang kasikatang tinamasa noon ng loveteam nina Richard at Angel. ‘Yun na!

 

KAHIT NAGBIDA NA sa sariling soap ang isa sa cast ng Utol Kong Hoodlum, na  si Arci Muñoz, hindi big deal sa kanya kung support lang siya nina JC de Vera at Jasmine Curtis-Smith.

Tsika nga ni Arci na, “There’s no small roles, only small actors.” Ang mahalaga raw, may trabaho siya at maganda ‘yung role na ibinibigay sa kanya ng home studio. At naniniwala raw ito na ang magaling na artista, bigyan mo man ng maliit na role, lulutang at lulutang sa bawat eksenang ibibigay sa kanya.

Happy nga raw ito dahil napasama siya sa kauna-unahang aksiyon-serye ng TV5, dahil napasabak din siya sa mga maaksiyong eksena na feel na feel niya, dahil aminado naman ito na medyo boyish siya at may pagka-rakista. Pero sabay bawi nito at sabay sabing hindi siya tomboy dahil babae siya at lalaki ang gusto niya at hindi babae.

Bukod sa UKH, mapapanood din si Arci sa kanyang pangalawang pagbibidahang soap sa Kapatid Network, ang Prinsesa ng mga Pusa, kung saan magiging leadingman nito ang lalaking nali-link kay Nadine Samonte na si Leandro Muñoz.

 

MULA SA TATLO ay nabawasan pala ng isang show ang magandang young star ng TV5 na si Meg Imperial dahil out na pala ito sa Pidol’s Wonderland at ang rason ay magkasunod ang shows nito – mauuna ang Bagets at kasunod naman ang Pidol’s.

Pero ‘wag daw malulungkot ang mga tagahanga ng magandang dilag dahil may ibinigay namang kapalit na show ang Kapatid Network kay Meg na isang primetime soap. Ayaw pang idetalye ng dalaga kung anong klase at ang title ng panggabing soap na makakasama siya, hangga’t hindi pa raw siya nagsisimulang mag-taping dito.

Sa ngayon daw, busy si Meg sa kanyang dalawang shows, ang teenshow na Bagets, at ang Saturday teen variety show na Hey, It’s Saberdey!, kung saan kasama niya ang halos lahat ng young stars ng Kapatid Network.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

2 thoughts on “Hiro Magalona at Kim Komatsu, grabeng mag-PDA?!

  1. Pingback: Hiro Magalona at Kim Komatsu, grabeng mag-PDA?! - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.