Hirit na Dagdag Sahod, Ipinababasura ng ECOP

IPINABABASURA NG Employers Confederation of the Philippines (ECOP) ang hiling na umento sa sahod ng mga manggagawa sa NCR.

Naghain ang ECOP ng position papers sa Wage Board ng Metro Manila na humihiling na ibasura ang dalawang petisyon ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) na P83.00 at P85.00 na dagdag sa sahod ng mga manggagawa sa Metro Manila.

Sa public hearing ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ng Metro Manila, sinabi ni Dean Antonio Abad, kinatawan ng ECOP na hindi kailangan ng umento sa sahod sa ngayon.

Katuwiran ni Abad, bu-mababa naman ang inflation rate.

Ayon kay Abad, mula sa 2.3-porsyentong inflation rate noong Hunyo 2012, bumaba ito sa 1.6-porsyento nitong 2013 at bumaba pa sa 1-porsyento nitong Hulyo.

Bukod dito, tanging ang mga sumusweldo lamang ng P456.00 kada araw ang makikinabang sakaling ipatupad ang wage increase.

Maaapektuhan din aniya nito ang maliliit na kumpanyang pinagmumulan ng karamihan sa minumum wage earners sa bansa.

Samantala, iginiit naman ni Allan Tanjusay, tagapagsalita ng TUCP, maaaring kumuha ng exemption ang maliliit na negosyante sakaling hindi kayanin ang wage increase.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.