Hirit na Bakasyon sa Pasko ni CGMA, ‘Di Tinutulan ng Kamara

HINDI TINUTULAN ni House Speaker Feliciano “Sonny” Belmonte ang pagkakaloob ng Christmas furlough o bakasyon sa Pasko si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Ayon kay Belmonte, Pasko naman kaya walang masama kung pansamantalang makalabas ng Veterans Memorial Medical Center (VMMC) si Arroyo para makasama ang kanyang pamilya at mga mahal sa buhay.

Ayon pa sa Speaker, wala ring dapat ipangamba sa seguridad ng dating pangulo dahil tiyak namang mababantayan ito sakaling palabasin ng VMMC.

Gayunman, depende pa rin anya ito sa Sandiganbayan kung pagbibigyan ang hirit ni CGMA at wala siyang karapatang panghimasukan ito, kahit myembro pa ng Kamara ang da-ting pangulo.

Una nang hiniling ng kampo ni Arroyo na pagkalooban ng tatlong linggong Christmas vacation ang dating pangulo para makasama ang kanyang pamilya at mga constituent sa Lubao, Pampanga.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.