HIRED KILLERS NG BROADCASTER, BINAYARAN NG P150K

ISANDAAN AT LIMAMPUNG libong piso ang ibinayad sa umano’y hired killers ni radio broadcaster Dr. Gerry Ortega sa Puerto Prin-cesa City sa Palawan, kamakalawa.

Ayon kay City Police Director, Supt. Orlando Amurao, ito ang lumitaw sa kanilang imbestigasyon sa pagpatay kay Ortega ng RMN-DWAR.

Sinabi ni Amurao na inamin ng naarestong gunman na si Marlon Dicamata na P10,000 ang paunang ibinayad sa kanya ng mastermind.

Tinukoy rin ni Amurao na isang dating lokal na opisyal sa lalawigan ang may-ari ng kalibre .45 na ginamit ni Dicamata sa pagpatay.

Samantala, tinutugis na ng mga awtoridad ang isa pang lalaking sangkot sa pagpatay sa broadcaster.

Kinilala itong si Dennis Aranas na ikinanta ng naarestong gunman.

Kasama umano ng gunman si Aranas nang makipagkita sa isang Junjun Bumar at Armando Deloria sa lalawigan ng Quezon para sa kanilang kontrata sa pagpatay.    (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.