Hired killer, utas sa shootout

 

ISANG HINIHINALANG bayarang mamamatay tao ang napatay habang tatlo sa mga kasamahan nito ay naaresto makaraang makipagbarilan sa mga awtoridad kamakalawa ng gabi Navotas City.

Kinilala ang napatay na si Enjoy Montuerto, 40, may-aswa at residente ng Tabing Dagat, ng nabanggit na lungsod. Habang arestado naman ang tatlong kasamahan na sina Rolando Eugenio, 37, ng Leongson St., San Roque; Vladimir Balanga,18; at Arman Ana, 29, ng Daang Bangko St.,San Roque.

Base sa ulat ni SPO1 Noli Daet, ng Navotas PNP at may hawak ng kaso, dakong alas-11:00 ng gabi nang maganap ang nasabing insidente sa Kalye Impiyerno, Brgy. San Roque.

Nabatid na isang residente ang tumawag sa Police Community Precint (PCP) 2 at ini-report na may ilang hindi nakikilalang kalalakihan na gumagala sa kanilang lugar at amado ng baril.

Kaagad na rumesponde sina PO1 Julius Mendoza, PO1 Rolando Cruz at PO1 RolandoVillamor ng PCP 2 at pagsapit sa nabanggit na lugar, kaagad na pinagbabaril ng napatay ang mga pulis.

Dahil dito gumanti ng putok ang mga pulis na nagresulta sa maagang pagkamatay ni Montuerto sanhi ng mga tama ng bala sa katawan.

Hindi nagawang makapanlaban ang tatlong kasamahan ng napatay dahil napapaligiran sila ng mga rumesponde pulis at narekober sa napatay ang isang kalibre .45 na baril.

Ang mga naarestong suspek ay kasalukuyang nakapiit sa detention cell ng nasabing himpilan ng pulisya at sumasailalim pa sa masusing imbestigasyon.

(ROMAN MAGPOC) 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.