Hirap daw mamuhay sa ‘Pinas
Christian Bautista, iiwan na ng Singaporean GF?!

TAMA BA ang nabalitaan namin na ginawang dahilan pa ng sinasabing bagong manager ni Zia Quizon, a certain booker-manager named Nene, (na sabi ay dating staff ni Sandra Chavez of Artists House) ang Star Magic para lang makapaghugas-kamay ito (booker-manager din diumano siya ni Zsa Zsa Padilla) para hindi masabi na may sumulot sa baguhan sa dating manager nito na si Carlo Orosa who is part of Stages Artist Management.

Napapag-alaman kasi namin na ginamit pa diumano nitong si Nene ang ina na si Zsa Zsa para lang ma-pull out ang singer mula sa pamamahala ng dating manager at sinasabi nga na iko-co-manage pa ng Star Magic ito together with Zia’s mom.

From a Star Magic insider, we’ve learned na walang katotohanan na hina-handle nila ang career ng singer.

Hindi rin totoo ang sinasabi nitong si “Nene” na co-managed si Zia ng ina nito at ang SM.

Sa ganang akin, Zia has the voice pero wala siyang distinctive character para kahit sa boses lang niya ay ma-identify na siya si Zia, ang kumanta ng song, or siya ang kumakanta.

Much better pa nga halos si Karylle na kapag humihirit na ay alam mo na siya ‘yun.

 

NAGKAROON NA ng friendly encounter between Nadia Montenegro and Anabelle Rama. After almost two years ng bangayan nilang dalawa ay nagkabati na sila.

From our Facebook e-mail, sinagot niya ang mensahe namin about the “pagbabati” nila.

From Nadia: “This morning sa Judicial Dispute Resolution hearing namin sa San Juan. I prayed and prayed na sana maging maayos ang JRD. I don’t think anyone wants enemies. Lalo na ngayon. Sa pagbabago ng buhay ko, since lumapit ako sa Diyos. Dumating siya (Anabelle Rama) na nakangiti; pinalapit ko ang mga anak ko para bumati sa kanya, 1st time ko nakitang ganun sia karelaxed at nagkumbaba so nilapitan ko din sya. Ayun! Nagyakapan kami from there alam ko ok na lahat.”

Dagdag pa niya: “I guess we all learn the hard way and that’s when we learn to be humble. Naramdaman ko kay Tita (Annabelle) yun kanina(nang magkita sila last Wednesday).

Sa nakalap naming impormasyon, ngayong araw, Friday, ay magkakapirmahan na sila para maresolba ang kaso.

At least, mauuwi ang isang dating samahan na nagkaroon ng problema sa muling pagbabati.

TILA HIRAP sa Pilipinas ang girlfriend ni Christian Bautista na si Carla Dunareanu na manirahan sa bansa.

Mula nang ma-develop sila ni Christian (nagkakilala sila sa during the singer’s stint sa The Kitchen Musical in Singapore) mas minabuti ni Carla na rito muna manirahan sa Manila para magkasama sila ng boyfriend.

Sa pananatili ni Carla, she got a job as a DJ sa isang FM station.

Dahil sa language barrier at hindi talaga marunong kahit konting Filipino ito, hirap itong mamuhay sa Manila, kaya she decided to go back to Singapore.

From what we’re learned from Carlo Orosa, manager of Christian, anytime soon ay babalik na si Carla sa Singapore.

From Carlo, he told us that Christian’s singing career is doing well in Indonesia and other Bahasa Malaysia speaking countries like Malaysia, Singapore and Southern Thailand.

“He is a big star,” kuwento niya sa amin during Yahoo’s OMG Awards Nomination announcement at The Fort last Tuesday.

 

BAKLAAN, PAMINTAHAN, bulaluhan ang peg ng bagong teleserye ng Kapuso Network ang My Husband’s Lover na gagampanan ni Dennis Trillo as the “lover”, Tom Rodriguez as “the husband” and Carla Abellana as “the wife”.

In short, mag-ex-bf sina Dennis at Tom na kasal naman kay Carla itong huli.

Nang muling magkita ay muli nanumbalik ang interest nina Dennis at Tom sa isa’t isa (physically and emotionally).

‘Pag maganda ang simula ng palabas, tila mahu-hook ako sa Kapuso Network nito every night.

Personally, I love gay themed movies but find M2M boring.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

2 thoughts on “Hirap daw mamuhay sa ‘Pinas
Christian Bautista, iiwan na ng Singaporean GF?!

  1. BAKA NADISKUBRE LANG NYAN NA BAKLA SI CHRISTIAN KAYA AYUN LALAYAS NA!ANG TANGA NAMAN NG BABAENG ITO HINDI NAAMOY ANG TUTUONG KASARIAN NG DYOWA NYA!HELLO MGA BESTFRIENDS NYAN PURO BAKLA,SINA JED MADELA,YONG DATING SYOTA NI RUFFA MAE QUINTO NA NAGLADLAD NA DIN AT SI MARK BAUTISTA NASYOTA NI PIOLO AT SI SAM MILBY YAN ANG MGA TROPA PURO BERDE ANG DUGO PERO AYAW PANG LUMABAS SA WALK IN CLOSETS NILA!MGA DUWAG, talo Kayo NI CHARICE!!!

  2. About Zia, I hope mapasikat sya ng Star Magic. Minsan nang kinuha ng ABS si Zsazsa from Viva (remember nung sumikat yung “We’re All Alone” revival at muling kuminang si Zsa, lumipat sya sa Dos, pero unti-unting nawala ang kinang)
    This recounting of events may not be holistic, but I hope they learn from history.
    Nadia and Monkey, monkey, Annabelle – pass.
    About Christian and the gf – all the best. At least she tried to cohabitate with the locals. Ganun talaga, some foreigners come and go…
    About the kapuso serye – all the best din..

Leave a Reply

Your email address will not be published.