Hipag ni Rufa Mae Quinto, nabiktima ng carjacker

TINANGAY NG HINDI nakikilalang carjacker ang minamanehong sasakyan ng hipag ng sikat na comedy-sexy actress na si Rufa Mae Quinto, habang ang biktima ay papauwi na malapit sa kanilang bahay sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw.

Bakas sa mukha ang takot nang magpunta sa police station si Jaymee Rose Quinto, 29, may asawa, ng No. 12 General Malvar St., Bagong Barrio ng nasabing lungsod.

Ipinagbigay-alam ng biktima ang pagkawala ng kanyang Montero Sports 4×2 model 2010 (color blue NQR-900) na nakapangalan sa kanyang asawa na si Alexander Quinto na kapatid naman ni Rufa Mae.

Kasamang tinangay ng suspek ang laptop, iba pang dokumento at cash na nagkakahalaga ng P200,000 na nakalagay sa loob ng kotse.

Sa report ni SPO4 Jonathan L. Regala kay P/ Senior Inspector Allan Emlano, hepe ng Anti-Carnapping Unit ng Caloocan City Police, bandang ala-1:15 papauwi na ang biktima sa kanilang bahay sakay ng kanyang sasakyan. Nang papalapit sa kanilang gate, nag-menor ng takbo si Jaymee Rose, hanggang  sa sumulpot ang isang hindi kilalang lalaki na nakasuot ng itim na jacket at tinutukan siya (biktima) ng baril, saka pinababa sa kotse. Kaagad na sumakay ng sasakyan ang suspek at pinasibad ang sasakyan papatakas.

Pinaalarma na ni Emlano ang nawawalang sasakyan ni Jaymee Rose. (ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.