Hinoldap na P400k sa LGU-Biliran, Inside Job

HINIHINTAY NG Naval Police Station ang kasagutan ng Police Regional Office (PRO-8) tungkol sa kanilang hi-nihinging cartographer na tutulong upang mas mapadali ang pagtukoy sa mga salarin na nang-hold-up sa mga kawani ng LGU-Kawayan, Biliran.

Sinabi ni C/Insp. Renancio Rachipo na nagpasa na sila ng request sa PRO para sa cartographer na siyang gagawa sa cartographic sketch ng mga kawatan.

Samantala, nagpapatuloy pa rin ang kanilang isinasagawang pagsisiyasat sa nasabing insidente kung saan tinitingnan nila ang anggulo na posibleng inside job ang naturang panghoholdap.

Una rito, naganap ang insidente nang pabalik na sa nasabing bayan ang mga empleyado na sina Dominggo Vidal, treasurer ng LGU-Kawayan; Sacariaz Sa-bornido, driver; Amia Lianto, book-keeper at Luz Peñaflor, agriculture technologist, na galing sa pag-withdraw ng pera na sakay ng isang multicab na service ng LGU.

Natangay naman ng mga suspek ang perang hawak ng treasurer na tinatayang nagkakaha-laga ng P400,000.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.