Hiniwalayan ng GF; Kelot, Nagbigti

HINDI MATANGGAP ng isang binatilyo na wala na sila ng kanyang nobya na naging dahilan upang magbigti sa loob ng kani-lang bahay sa Navotas kamakalawa ng gabi.

Dead on arrival sa Tondo Medical Center si Christian Achacoso, 18, ng Phase 1-B, Dagat-dagatan ng lungsod.

Sa ulat, alas-10:30 ng gabi nang makitang nakabitin sa kisame ng kusina ang biktima ng kanyang tatay na si Crisanto, 37.

Agad na kinalag sa pagkakabigti ang biktima at dinala sa TMC.

Nabatid na nakipaghiwalay ang nobya ng biktima na hindi na nakuha ang pangalan na naging dahilan upang magbigti si Achacoso.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.