Hiniwalayan ng dyowa Bading, tumalon sa tulay

NAKALIGTAS SA kamatayan ang isang bading na bigo umano sa pag-ibig makaraang maisipan nitong tumalon sa Kalibo-Numancia Bridge nang magtalo sila ng kanyang boyfriend sa Kalibo, Aklan.

Kinilala ang biktima na si Gilbert Iguyan, 39, at residente ng Brgy. Tayhawan, Lezo ng naturang lugar.

Batay sa report, nagkaroon umano sila ng pagtatalo ng kanyang boyfriend hanggang sa humantong sa breakup.

Lasing umano ang bading nang gawin ang tangkang pagpapatiwakal.

Sinasabing mababaw lamang ang tubig sa ilog kaya’t naunsyami ang tangkang pagpapakamatay nito dahilan para humingi na lamang ito ng tulong sa mga residente kung saan siya dumayo sa Brgy. Pusiw, Numancia, Aklan.

Kaagad namang nailigtas ng barangay tanod na si Ronald Tabios ang biktima. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.