Hinihinalang Salvage Victim, Narekober sa Rizal

NATAGPUANG PATAY ang isang lalaking hinihinalang biktima ng summary execution sa Zigzag Road, Barangay San Jose, Rodriguez, Rizal.

May sakal ng nylon cord sa leeg at dalawang tama ng bala ng baril sa kaliwang pisngi ang biktimang tinatayang nasa 28 hanggang 32-anyos.

Base sa salysay ng mga residente, alas-5:00 ng madaling-araw pa nang makitang nakabulagta ang naturang bangkay ng lalaki.

Sa ngayon, iniim-bestigahan na ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang nasabing insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.