Hinihinalang Aswang: Lolo, Niratrat

PINAULANAN NG bala ng tatlong lalaki ang isang 79-anyos na padre-de-pamilya sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Malayuan, Ajuy, Iloilo.

Humingi pa ng tubig ang mga salarin sa asawa ng biktima na si Alicia bago binaril ang kanyang asawang si Roberto Custodio Jr.

Sinabi ng asawa ng biktima na pinaghihinalaang aswang ang kanilang pamilya at ang kanyang asawa umano ang itinuturong nambibiktima sa kanilang baran gay, na mariin namang itinanggi ng mga ito.

Wala naman sa mga residente sa lugar ang nagkumpirma ng impormasyon na aswang nga ang mga biktima.

Nangangamba ang pamilya na baka sila naman ang sunod na patayin dahil sa mga banta sa kanilang buhay.

Samantala, kapansin-pansin naman na walang ibang nakisimpatya sa sinapit ng biktima maliban sa kanilang malalapit na pamilya.

Sa ngayon, inaalam na ng mga kinauukulan ang pagkakakilanlan ng mga salarin.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.