Hindi raw si Elmo Magalona Julian Trono, BF ni Julianne San Jose?!

GAANO KAYA katotoo ang tsikang nakarating sa amin na nagsasabi na magsyota as in girlfriend na raw ng young actor na si Julian Trono ang nali-link at ka-loveteam ng isa pang young actor ng Kapuso Network na si Elmo Magalona, na si Julie Ann San Jose.

Matagal-tagal na raw ang relasyon ng dalawa (Julian at Julie Ann) at alam daw ito ng mga close friends at pamilya ng dalawa. Nagsimula raw maging close ang mga ito sa pagsasama sa Party Pilipinas na naging close friends at nauwi sa ligawan at isang batang relasyon.

Kaya naman daw kung mapapansin sa rehearsal at sa mismong show ng Party Pilipinas ay sobrang close at sweet ang dalawa na magkasama at nag-uusap na hindi na naman kaila sa ibang kasamahan ng mga ito sa Party Pilipinas.

Balitang si Julie Ann daw ang first girlfriend ni Julian at si Julian naman daw ang first boyfriend ni Julie Ann at hindi si Elmo na napapabalita namang may girlfriend sa Kapamilya Station.

 

VERY HONEST na sinagot ng TV5 Programming Manager na si Paolo Bediones na zero ang kanyang lovelife at paminsan-minsan na lang daw ang kanyang sex life, dahil na rin sa busy siya sa dami ng kanyang trabaho sa TV5.

Tsika nga ni Paolo, noong mas bata pa siya at hindi pa ganu’n kasikip ang schedule niya ay naisisingit niya ‘yon (sex), pero ngayon ay ang dami na niyang kailangang i-consider.

“Sa pagod mo, pag-iisipan mo pa ‘yon? Ha! Ha! Ha! Hindi, sabihin na lang natin na may time and place for everything. Nagagawan ng paraan kung kailangang gawan ng paraan. Pero sa ngayon, walang need na gawan ng paraan,” sabi ni Paolo.

Ilan sa mga shows ni Paolo ang Good Morning Club (dating Sapul sa Singko) kasama sina Amy Perez, Cheryl Cosim, Christine Bersola, atbp., tapos ay sa kanya rin nagtatapos ang gabi dahil sa 11:30 PM news program na P-News kasama sina Cherry Mercado at Jove Francisco. Meron pa siyang USI: Under Special Investigation tuwing Linggo, tapos ay magsisimula na ang ihu-host at ipo-produce niyang Extereme Makeover Home Edition Philippines sa Marso 21.

 

BONGGA ANG naging launching ng pinakabagong International image model ng Bench Fix International na si David Archuleta na tinatayang pinakasikat na artist ngayon ng TV5, dahil na rin sa dami ng taong dumalo sa launching nito bilang Bench Fix Model na ginanap sa Trinoma Activity Center .

Kasabay ng nasabing launching ang paglabas noong Biyernes ng kanyang mga billboard sa major streets sa Metro Manila at show windows ng Bench stores. At during his launching ay nagkaroon ito ng mini-concert, kung saan 7 songs ang kanyang kinanta na mostly ay ang kanyang mga hit songs including “Nandito Ako” na sinasabayan ng kanyang mga tagahanga.

Hindi nga maitatago ang galing ni David sa entablado at nagawa niyang mapasayaw ang mga taong naroroon. Pero ang kasiyahan ng kanyang libu-libong tagahangang naroroon ay napalitan ng kalungkutan nang sabihin ni David na paalis na siya ng Pilipinas at ang Bench Fix Professional ang huling event na kanyang dinaluhan at babalik na siya sa kanyang bansa.

Umaasa ang mga tagahanga nito na muling babalik si David sa bansa at susuportahan nila ang soap nito sa TV5, ang  Nandito Ako, na siyang kauna-unahang acting job sa kanyang entire career, kung saan makakasama nito ang mga prinsesa ng TV5 na sina Eula Caballero at Jasmine Curtis-Smith.

 

John’s Point
by John Fontanilla

18 thoughts on “Hindi raw si Elmo Magalona Julian Trono, BF ni Julianne San Jose?!

  1.  wait bkt cii julie annne anjan dapat cii sabrina ehhhhh♥♥♥♥♥♥!♥3♥

  2.  bkt ganun eh max matanda cii julie anne kexa ke julian ang bgay kay jukian c sabrina man ♥♥♥♥ hehe 

  3. ang pag ibig walang pinipili yan.tsaka bagay naman cla eh……wala naman din clang ginagawang masama…

  4. wala naman pinipili ang pag ibig.dba bgay rin naman cla eh……tska wala clang gnagawang masama…

  5. sweet nyo pala ?
    bk>……………….? >>>>>>>>>>>>>>who………… hehehe………. ?
    zta……

  6. bkit poh gnon 
    hnd poh nla pnaalam ang relasyon nila” 
    dahil hnd namin alam magtatamp0 kme sa dalawa?

  7.  dont judge them po :) gnun po c japs, so sweet young lady :) at accdg to her baby pa dw po xa at wla p dw po sa isip nya ung mga gnung bgay :)

  8. talagang da who da who!!!???  sino ba itong mga may gatas pa sa labi na ito julian? juliaane? da who?????????
    si david archuleta lang ang sikat dito!!! ang ganda ng Nandito Ako! Panoorin nyo, pramis, mag e enjoy kayo!

  9. not true ! npaka bata pa ni julian for julie. and wala pa sa isip ni julie mga ganyang bagay. specially now. masyado siyang busy

  10. wala ng sex life si Paolo, kasi hindi na siya maka-rampa ngayon para manguha ng boys, at masyado ng high profile ang pagmumukha niya, at baka mabuko na tita siya, mawala ang career…..