Pagkakaiba ng pananaw at ng prayoridad sa buhay ang dahilan Gab Valenciano, nakipag-break kay Isabel Oli

INAMIN SA amin ni Gab Valenciano na siya ang nakipag-break kay Isabel Oli pero klinaro nito sa amin na walang third party involved sa parte niya gaya ng nabalita. Differences and priorities ang ibinigay na mga rason sa amin, matagal din itong pinag-isipan ni Gab lalo’t alam niya na may mabigat itong problema dahil nasa ospital ang ama nito, pero para sa TV host, mas makakabuti nang tapusin ang 4 na buwan nilang relasyon kahit masakit sa kanya dahil alam niyang may lalaki na higit na babagay sa ex girlfriend.

Kinausap nang masinsinan si Isabel kung saan aminado si Gab na masakit din sa kanya ang desisyon, ang pagkakaiba ng mga prayoridad sa buhay kung saan gusyo niyang i-pursue ang kursong Recording Arts sa America, pitong taong age gap kung saan 23 pa lang si Gab samantalang nasa 30 na pala ang aktres at maaaring ang seryosong pananaw nito sa buhay gaya ng pagpapakasal at pagbuo na ng sariling pamilya ang ilan sa mga nakikita naming dahilan naman ng break-up. Inakala na dahil pitong taon din ang age gap ng inang si Tita Angeli Pangilinan sa amang si Gary Valenciano ay magwo-work ang relasyon nila gaya ng mga magulang, sa simula pa lang ay kinausap na pala siya ng kanyang mga magulang para ipakita na hindi ganu’n kadali ang relasyon na papasukin niya at iba ang panahon sa ngayon kumpara noon. Binigyang-linaw rin sa amin na walang katotohanan na ‘di boto ang kanyang mga magulang kay Isabel gaya ng nababalita, ayon kay Gab ay maayos ang relasyon ng ex-girflriend sa kanyang pamilya.

Klinaro din sa amin na hindi siya na-fall out of love gaya ng iniisip ng iba kaya siya ang nag-initiate ng break-up, ipinaliwanag sa amin na hindi magiging masakit sa kanya ang break-up kung nawala ang pagmamahal niya sa aktres. Ang deskripsyon nga sa amin ni Gab sa lahat ng naging relasyon niya, ang naging sa kanila ni Isabel ang pinaka-genuine at pinakamarami siyang natutuhan. Sa pinagdaraanan ngayon, malaking tulong kay Gab ang suporta ng pamilya, mga kaibigan, ng trabaho niya at ng Diyos kung saan kilalang devoted Christian ang pamilya nila.

‘Di idenenay sa amin na totoong lumabas siya kasama ang young actress na si Coleen Garcia, Cheska Litton at basketball player na si Eric ThaI, kung saan nanood sila ng PBA Game, ipinaliwanag sa amin na dahil naging kaibigan na niya ang mga kaibigan ni Cheska nang maging girlfriend ito ng bestfriend na si Jericho Rosales at kaibigan din niya si Eric, nagkaayan dahil despidida ito ng common friend nilang si EJ Rafael pabalik ng America. Pagkatapos ng PBA game ay tumuloy sa Republiq, inasahan na ni Gab na magiging issue ito, ang nilagay na lang sa isip ng TV host ay magkaibigan sila ni Coleen at wala siyang dapat na itago o ikahiya. Siniguro sa amin ni Gab na hindi pa siyang handang pumasok sa panibagong relasyon sa ngayon sa kahit na kanino, pero hindi siya nagsasa-rado ng pinto sa kahit na kanino pagdating ng tamang panahon.

SA SIMULA pa lang ng ng E-Boy ay marami na agad ang naiyak sa mga nakaka-touch na eksena ng nasabing serye. Nagtala agad ng consistent na mataas na ratings kung saan nu’ng pilot episode nito nu’ng nakaraang Lunes ay nakakuha ito ng pinakamataas na ratings sa TNS sa lahat ng mga serye. Ang magandang casts, magandang istorya na may puso at mahusay na pagkakadirehe ang ilan sa mga nakikitang dahilan kung bakit ito tinatangkilik ng tao.

Iba talaga ang tama sa puso nating mga Pinoy ‘pag ang tema na ay tungkol sa pamilya, sa mga bata na malapit sa puso natin, abangan natin ang mga susunod na eksena pa sa E-boy, kung saan makikilala at mas mamahalin natin ang mga karakter na magiging parte na ng ating pang-araw-araw na panonood ng telebisyon.


 

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

3 thoughts on “Pagkakaiba ng pananaw at ng prayoridad sa buhay ang dahilan Gab Valenciano, nakipag-break kay Isabel Oli

  1. powerful cast ng valiente??hello!!??? okay ka lang eh iilan lng s kanila ang kilala and most of them puro da hu..seriously..nkakatawa lng..hahaha

  2. anong kinalaman ng mga picture ng impokritong feeling sikat pero wala pang napapatunayan na si gab valenciano at ng walang emosyong umarte na si isabel oli?

Leave a Reply

Your email address will not be published.