Hindi raw nanunumbat sa taong naninira sa kanya
German Moreno, ipinapaalala lang na may nagawa rin siyang kabutihan

NASA LISTAHAN si Kuya Germs (German Moreno) ng mga beteranong artista sa showbiz na nirerespeto dahil sa kabutihan ng kanyang puso. Kaya nga, sa batayang sampung tao sa showbiz, kung mayroong apat na taong magsalita ng laban sa kanya ay anim doon ang magtatanggol sa Master Showman. Bago kasi dumating sa lara-ngang ito ang mga nang-iintriga sa host ng Walang Tulugan ng GMA-7, nakapagpunla na talaga siya ng matinding pakikisama sa mga taong nakasalamuha niya sa industriyang ito.

May ugali si Kuya Germs na kapag siya ay nasaktan, nagsasalita siya na mayroon din naman siyang ginawang kabutihan sa taong iyon. Bagay na totoo naman, dahil siya ang tipo ng tao na hayag at patago kung tumulong sa kapwa. Starbuilder din si Kuya Germs, at sobra siyang nasasaktan kapag mayroon siyang mga tinulungan na kapag sumikat ay nararamdaman niyang binabalewala na siya. Hindi raw siya nanunumbat, sobra lang siyang nasasaktan.

Hindi kasi nagpapakaplastik si Kuya Germs. Noon daw marami siyang programa sa telebisyon, iba ang pasok ng pera.  Pero sa mga panahon daw na ito, kailangan ang pag-iingat sa pera, kahit patuloy pa rin siyang tumutulong sa kapwa.  Marami talaga ang nakikinabang sa kababaang-loob ni Kuya Germs, dahil kapag mayroong mga artistang naghihikahos, nalalaos at nagparamdam iyon sa beteranong TV host na laging nasa kanyang paligid, marunong talaga siyang mag-share sa abot ng kanyang makakaya.

 

TINATAWANAN NA lang nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz ang mga tanong kung bakit sa kabila ng kanilang mga katangian bilang isang magandang aktres at napaka-guwapong aktor, hindi sila ang nagkatuluyan, samantalang sila naman ang laging magkasama sa maraming proyekto na kanilang ginawa nu’ng nagsisimula pa lang ang kanilang kasikatan. Para kasi sa kanilang dalawa, hindi na malaking isyu kung bakit hindi sila nagkaroon ng relasyon.

Ang natatandaan nina Bea at Lloydie, lagi na lang nangyayari na habang sila ang magka-loveteam ay hindi kailanman nagkatagpo ang kanilang mga puso na libre silang pareho. Kasi nga, nu’ng kasagsagan ng kanilang loveteam ay si Mico Palanca ang karelasyon ni Bea, habang si JLC ay hindi rin naman nawawalan ng karelasyon, dahil nu’ng maging aktor na talaga siya ay magkakasunod niyang naging karelasyon sina Liz Uy, Ruffa Gutierrez at Shaina Magdayao.

Pagkatapos kasi ng ilang taong pamamahinga ng kanilang loveteam ay muli na namang magkasama sina Bea at John Lloyd sa pelikulang The Mistress ng Star Cinema. Hindi sagabal sa mga pagkakataong ito kung ang tunay na boyfriend ni Bea ay si Zanjoe Marudo at si Angelica Panganiban naman ang nauugnay ngayon sa magaling na aktor. Panalo pa rin ang kilig sa tambalang Bea-Lloydie, dahil kahit hindi naging sila ay bagay na bagay pa rin silang magkapareha.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

2 thoughts on “Hindi raw nanunumbat sa taong naninira sa kanya
German Moreno, ipinapaalala lang na may nagawa rin siyang kabutihan

  1. nagpapalakas ba kay german moreno itong writer na ito? kuntodo magsulat ng mga positibong salita kay mama germs ha? HAHAHAHA baka may gustong ibigay na talent ang writer na ito kay ate germs para pasikatin daw? Hahahaha goodluck sayo ateng writer

    • ganda ng ugali mo ateng!! pinupuri lang ng writer si kuya germs dahil sa good deeds pero ang dating sa ‘yo ay nagpapalakas!! magpa exorcise ka…para umalis yung espiritu sa katawan mo!

Leave a Reply

Your email address will not be published.