Hindi pinanagutan ng BF 14-Anyos na Buntis, Nagpakamatay

NAGPAKAMATAY ANG i-sang 14-anyos na buntis sa Brgy. Basak, Compostela, Cebu, matapos na hindi ito panagutan ng kanyang boyfriend.

Itinago sa pangalang “Maria” ang naturang dalagita, high school student, at residente sa nasabing lugar.

Napag-alaman na binisita ni Maria ang nobyo nito upang ipaalam ang kalagayan nito, pero iniutos ng lalaki na ipalaglag na lang ang bata.

Sinasabing dahil sa sobrang lungkot, umalis si Maria sa lugar at pagkatapos ng ilang oras ay nakita na lang itong wala nang buhay habang nakabigti sa loob ng silid ng lola ng biktima.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pagsisiyasat ng pulisya sa nangyaring insidente. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.