Annabelle Rama, marami pang ibubunyag tungkol kay Nadia Montenegro?!

HINDI PA YATA masaya si Annabelle Rama sa mga sinabi niya laban kay Nadia Montenegro, magpapa-presscon pa raw ito bukas?

In fairness,  ang  da-ming nanood ng interview ni Bisaya sa Showbiz Central, huh! ‘Yun daw ang pinakamataas na viewership nu’ng Linggo kaya mataas ang rating ng Showbiz Central.

Ang daming nag-abang sa mga sasabihin ni Annabelle laban kay Nadia dahil matagal-tagal ding wala itong kaaway at ngayon na naman siya nagtatalak.

Mukhang pursigido si Nadia na ituloy ang demandang Child Abuse laban kay Annabelle dahil tahimik lang ito at hindi niya talaga sinagot ang mga pambibira sa kanya ni Annabelle.

Kahit sa Twitter account niya, wala siyang diretsong sagot sa mga rebelasyon ni Annabelle.

Mukhang gusto niyang sa korte na lang magkita at doon na lang ito magsasalita.

Maaaring payo na rin ito ng abogado niya na huwag nang magsalita para ‘di na makaapekto sa kaso.

Pero si Annabelle, hindi mo mapipigilan ‘pag meron siyang sa-sabihin kaya baka marami pa siyang ibubulatlat laban kay Nadia.

Sa totoo lang, narinig ko na noon ang mga rebelasyon ni Annabelle sa Showbiz Central kaya hindi na ako nagulat. Abangan na lang natin kung meron pa siyang bagong ibubunyag. Mahaba-haba pa ‘tong away na ito. Subaybayan na lang natin!

 

SA TOTOO LANG, isa ako sa nairita sa ‘di pagsagot ni Bianca King sa isyu nila ni Dennis Trillo huh!

Kasi mukhang totoo namang sila na dahil kung hindi, ang dali niyang i-deny, ‘di ba?

Si Dennis kahit papa’no may sagot naman na hindi naman niya diretsahang dinenay  o  inamin. Basta naging close lang daw sila bilang magkaibigan.

Eh, ito namang si Bianca, bakit ngumingiti lang at wala talaga siyang sagot nang tinanong namin kung sila na nga ni Dennis.

Kung ayaw niyang sagutin, puwede naman niyang pakiusapang huwag nang itanong dahil ayaw na lang niyang magsinungaling. Ang daming nairita sa kanya, huh!

Pero malakas talaga ang kutob naming sila na nga. Kung totoo nga ‘yun, ‘di ba kaibigan pa ni Bianca si Cristine Reyes na karelasyon pa nu’n ni Dennis?

Hay, naku! Anong bago? Magkaka-alaman din iyan kung ano ang totoo.

At least consistent talaga itong Dennis na madaling ma-in love sa mga leading lady niya!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

6 thoughts on “Annabelle Rama, marami pang ibubunyag tungkol kay Nadia Montenegro?!

  1. naku hirap makalban c mrs annabelle.tlgang pag my cnbi cia.hndi nis mapipigilan.dhil totoo nmn mga paratang nia kay mrs nadia..kya ko ky nadia sbhin nlng nia totoo lht mga paratang sa knya ni mrs annabelle.well.nagpakatoo lng c mrs annabelle.d katulad ng iba.mga ubod ng cnungaling.bndang huli totoo nmn mga chizmis sa knila

  2. nadia. ikaw ang umaabuso sa mga anak mo hitad ka! hwag mo sila pag artistahin kung aangal ka lang! mag aral na lang sila.

    anabil, neng – ang dami mo na kaaway matanda ka na… baka sa burol mo wala ng magpunta…kawawa ka nmn hitad ka rin! hahahahahahaha

  3. SI LOLITA SOLIS NGA MADAMI DING SEKRETO NA ALAM SIYA LABAN SA IYO AT KAY RUFFA PERO ITINIKOM NIYA ANG BIBIG NIYA KASI KAHIT GANYAN SI LOLITA MAY TAKOT SIYA SA BATHALA.ANABELL DAMI MO NG SINAKTAN.TAMA NAAAAAAA…..

  4. NAKU MISS ANNABELL RRAMA NAPAKARAMI MO NG BIYAYANG NATATANGGAP SA BUHAY.TIGILAN MO NA ANG PAGIGING PALA AWAY AT PAGSASABI NG MASASAMA SA KAPWA MO.KAKATAKOT NA PINAG GAGAWA MO PANAHON NA PARA MANAHIMIK PARA TULOY TULOY ANG BIYAYA SA PAMILYA MO.MATAKOT KA SA “K” PATAWARIN MO NA SI MISS NADIA.

Leave a Reply

Your email address will not be published.