Hindi pa oras ni Richard Gutierrez

IISA LANG ANG buhay. Walang kapalit, walang kahalili, lalong hindi nabibili sa kahit saang department store. Oras na humugot na tayo ng huling hininga ay ‘yun na ‘yun.

Totoong-totoo rin na ang tanging sigurado sa mundong ito ay kamatayan. Lahat tayo’y mabubura sa mundo, sa kani-kanyang takdang panahon at dahilan nga lang.

Sabi nga ng isang kaibigan namin, kapag ipinanganak tayo, kumukuha tayo ng birth certificate. Kapag namamatay naman ang tao, kumukuha rin ng death certificate sa ospital at sa munisipyo.

“Ano ang tanging ebidensiya na nabuhay tayo sa mundo? Wala, kundi mga litrato lang. Sa pictures na lang tayo inaalaa ng mga naiwan natin,” makahulugang sabi ng aming kaibigan.

Nabanggit namin ito dahil sa isang asuntong isinampa laban kay Richard Gutierrez. Namatay ang kanyang kaibigan-PA na si Nomar Pardo nu’ng maaksidente sila sa Silang, Cavite.

Walang kahit sinong may gusto sa nangyari, kaya nga tinawag ‘yun na aksidente, walang kahit sinong taong mag-uumang ng sarili niyang buhay o buhay ng kanyang kasama sa bingit ng kamatayan.

Naospital si Richard, nalagay rin sa alanganin ang kanyang buhay, pero sinuwerte siyang nakaligtas. Namatay naman si Nomar, isang PA na itinuring nang hindi iba ni Richard, ‘yun ang pinag-ugatan ng kasong reckless imprudence resulting to homicide na isinampa ng misis ni Nomar na si Lorayne laban sa aktor.

NAIINTINDIHAN namin kung saan nanggagaling si Lorayne Pardo, hindi ganu’n kasimpleng mamatayan ng asawa at ama para sa kanilang mga anak. Totoo ring hindi ganu’n kadaling tanggapin na mag-isa na lang siyang palalakihin ang kanilang mga anak ni Nomar ngayon.

Madaling unawain ang kanyang pinanggagalingan, pero ang kanyang pupuntahan ay naghahanap ng paunawa at katuwiran, dahil hindi ginusto at lalong hindi sinadya ni Richard Gutierrez na maaksidente sila ni Nomar at ng isa pa nilang kasama sa kotse nu’ng Mayo 22.

Sa aming opinyon ay magkakaroon lang ng boses na magreklamo ang misis ni Nomar kung pagkatapos ng aksidente ay binalewala lang ng mga Gutierrez ang nangyari sa kanyang mister.

Pero hindi naman ganu’n ang nangyari, nakiramay sa kanila ang pamilya ni Richard, naglatag ng kanilang plano kung paano nila matutulungan ang pamilyang naiwan ni Nomar.

Pero tinanggihan ‘yun ni Lorayne, kung bakit ay tanging siya lang ang nakaaalam, hanggang sa ipinanganak na nga ang asunto laban kay Richard Gutierrez dahil sa pagkamatay ni Nomar Pardo.

SANA’Y matanggap ni Lorayne sa kanyang kalooban na walang may gusto sa nangyari. Kung gusto niyang mabuhay ang kanyang mister, lalong maraming may gustong mabuhay si Richard, dahil isang pampublikong pigura ang binata at mahal na mahal din ng kanyang pamilya.

Ayon sa mga Gutierrez ay apat na milyong piso ang hinihingi ni Lorayne. Mariin din ang sinabi ni Lorayne na ang gusto niya ay cash ang bayaran at hindi tingi-tingi.

Nakalulungkot ang senaryong ito. Parang hinahalagahan ang buhay ni Nomar, apat na milyong piso. Kami man ang lumagay sa sapatos ng mga Gutierrez ay haharapin na lang namin sa husgado ang kasong isinampa ni Lorayne.

Gusto naming paniwalaan na kapag oras na ng sinuman sa atin ay magaganap ‘yun, walang makahaharang, dahil hanggang du’n na lang talaga ang hiram lang naman nating buhay.

Malinis ang kunsensiya ni Richard Gutierrez, kahit batang musmos ay sasang-ayon na hindi sinadya ng aktor ang aksidente, dahil ang mismong buhay niya ay nalagay rin sa bingit ng kamatayan sa aksidenteng ‘yun.

Nagkataon lang na hindi pa oras ni Richard Gutierrez.

Cristy Per Minute
by Cristy Fermin

Related Post

loading...

6 thoughts on “Hindi pa oras ni Richard Gutierrez

  1. SALUDO TALAGA AKO SAU MS.FERMIN napakalwak tlaga ng pananaw mo sa isang seryosong bagay…sa totoo lang inis ako ky anabel o anavil,andun na nga my naulila pero di nman cguro sinadya ni richard n ibanga ang kotse nya!hindi pa siguro matangap ng mrs ni nomar ang pagkamatay nya pero matatanggap din nya sa mga darating na panahon!MAKIKITID LANG KAC ANG ISIP NG IBA!

  2. oy kristy fermin kapal mo sure ka ba na oras na ni nomar. haleeeeeeeeeer magkano ba bayad ni anadevil sa iyo at parang kinakampihan mo ang mali o dahil sinisingil ka ni anadevil sa libel noon? hindi matatangap ang reasoning ninyo noh. at huwag kang bulang bulang an dahil kahit sa imbestigastion lumalabas na na may kasalanan si richard dahil sa kanyang pagkareckless magdrive na resulta ng pagkamatay ng ama ng dalawang bata eh kung iyan ang katwiran ng maraming tao na aksidente bakit iyong ibang ordinaryong tao nakukulong agad at itong richard na ito hanggang ngayon nagdradrive pa maghihintay pa ba kayong may bagong mamatay bago ninyo ikulong iyang lalaking iyan. at kung 4 m nga ang hinihingi ni mrs. pardo karapatan niya iyon. okeyyyy at ikaw huwag kang pahara hara sa daan ha baka maaksidente karin at baka hindi ka pa nakabangon sa daan idimanda mo agad that’s for sure. nakakalukah mga paluktot mangatuwiran. JUSTICE FOR NOMAR

  3. heller cristy fermin, mag-isip ka nga! madaming ordinaryong tao sa pilipinas na nakakapatay ACCIDENTALLY sa pagmamaneho nila, pero sila nakakasuhan at nakukulong, no matter how remorseful they are, tapos si richard gutierrez HINDE??!! BAKEET?? sino ba sya? does he think he’s better than anybody else para hindi sya makulong?! my gosh, your mind!

    chaka pwede ba cristy fermin, magpakatotoo ka nga dyan! stop trying to be eloquent, it doesn’t freakin’ suit you. chaka use your brain before you write ANYTHING. ang hirap sayo basta makasulat ka lang eh. patawa ka ha, yung mga walang kasalanan sayo, kung tirahin mo sa mga articles mo ganon nalang. yang NAKAPATAY ng tao, parang kala mo kawawang kawawa pag nagsalita ka dyan. obvious na obvious na may natatanggap ka rin dyan sa mga yan kaya kung ipagtanggol mo, kahit alam mong mali, eh ganon nalang. mahiya ka naman!

  4. Under RA 4136 or Land Transportation and Traffic Code:

    “Section 48. Reckless driving. – No person shall operate a motor vehicle on any highway recklessly or without reasonable caution considering the width, …curvatures, visibility and other conditions of the highway and the conditions of the atmosphere and weather, or so as to endanger the property or the safety or rights of any person or so as to cause excessive or unreasonable damage to the highway.”

    “Section 56. Penalty for violation….(n) If, as the result of negligence or reckless or unreasonable fast driving, any accident occurs resulting in death or injury of any person, the motor vehicle operator at fault shall, upon conviction, be punished under the provisions of the Revised Penal Code. ”

    Art. 365 of Revised Penal Code. “Reckless imprudence consists in voluntary, but without malice, doing or failing to do an act from which material damage results by reason of inexcusable lack of precaution on the part of the person performing or failing to perform such act…”

    The Gutierrezes keep saying that Richard must’ve lived because he has a deeper purpose in life. Baka ang purpose nya is to make people aware of the great responsibility that comes with the privilege of driving. Unfortunately for him, this means that he has to take responsibility for the death of his assistant.

  5. EXCUSE ME CRISTY FERMIN aka SHREK!
    Kulang na lang gawin kang green at lagyan ng antenna

    nweiz…
    Napakamapanghusga ng report mo at mahilig ka ding sumawsaw… You dont have to be rhetorical kasi wala ka ng credential…PWE! Halatng galamay ng Guttierez!

    Yang hilig mo mamitik artista at ng tao

    IKAW tuloy pinipitik ng DIYOS!

    Buti nga wala ka na sa DOS!

Leave a Reply

Your email address will not be published.