Hindi nililigawan si Angel Locsin: Chito Miranda, mahal pa rin si Kaye Abad!

MARIING ITINANGGI NG lead vocalist ng Parokya ni Edgar na si Chito Miranda na nililigawan niya si Angel Locsin. “I admit na lumalabas kami pero marami kaming kasama dahil grupo kami. No, wala talaga kaming relasyon ni Angel, bukod sa magkaibigan,” tuluy-tuloy na pahayag iyon ni Chito nang makausap siya ng Pinoy Parazzi sa UST kamakailan sa Boto Mo, Ipatrol Mo concert.

Ayon kay Chito, nagkausap na sila ni Angel kaugnay sa isyu. “Wala, nagtawanan lang kami dahil alam naman namin sa isa’t isa na walang katotohanan ang balita. Tsaka hindi naman ako apektado, kasi hindi ko naman ine-entertain ang tsismis na ganyan,” may katarayan pang sagot ni Chito.

Wala na rin daw balak pang makipag-usap si Chito kay Luis Manzano.

“What for? I mean… bakit? Wala naman kaming problema.”  Dahil aminado si Chito na kung meron man siyang mahal hanggang ngayon, ‘yun ay ang 7 years niyang katipan na si Kaye Abad na dating girlfriend ni John Lloyd Cruz.

SINABI NI LORNA Tolentino na isang simpleng misa lang ang ibibigay niya sa yumaong asawa na si Rudy Fernandez sa birthday nito sa March 3. “Siguro, pupunta lang ako sa Heritage then after that, tuloy na ako sa bahay,” pahayag ni LT nang makausap siya ng Pinoy Parazzi sa birthday ni Jinggoy Estrada na ginawa sa Blue Leaf.

Ayon kay LT, hindi pa rin daw niya ginagalaw hanggang ngayon ang mga personal na gamit ni Rudy. “Parang hindi pa talaga ako handa. Feeling ko kung gagalawin ko ‘yung mga gamit niya, dapat diretso sa isang mas maganda at maayos na lugar at hindi pa tapos ‘yung pinare-renovate kong house namin.”

Sinabi ni Lorna na madalas pa rin niyang nararamdaman ang presence ni Daboy. “’Yung last na panaginip ko sa kanya, e nakakatawa talaga. ‘Yung paramdam niya, dinadaan niya sa panaginip. Actually, kapag naaalaala ko ‘yung last dream ko, natatawa talaga ako. ‘Yun bang parang ginagaya niya ‘yung character sa Mano Po, nagtsa-Chinese siya. Ha-ha-ha!

Sa kabilang banda, ipinagtanggol naman ni Lorna si Mark Anthony Fernandez sa isyung balik-droga raw ito kung kaya’t natanggal sa ilang show sa channel 7. “No, hindi totoo iyan.  Alam na ni Mark na hindi maganda sa katawan at isipan ng tao ang drugs dahil pinanggalingan na niya iyan. Ang totoo, sabi sa akin ni Mark noong huli kaming magkausap ay parang napapagod siya. Kasi, sunud-sunod talaga ‘yung ginawa niyang soap opera, kaya kailangan niyang magpahinga. Nagpahinga lang si Mark at hindi siya nagbalik sa drugs.” Pagdidiin pa ni Lorna bilang salag sa isyung napapabayaan uli ni Mark ang trabaho, dahil muli itong nalululong sa ipinagbabawal na gamot.

More Luck
by Morly Alinio

loading...

One thought on “Hindi nililigawan si Angel Locsin: Chito Miranda, mahal pa rin si Kaye Abad!

  1. In 1961, when Liberal Party standard-bearer Diosdado Macapagal was in the midst of a victorious presidential campaign, today’s presidential aspirant Manny Villar Jr. was 11 years old and living with his large extended family in a rented three-story corner house along Tondo’s main tree-lined boulevard, Moriones Street.

    Villar’s father, Manuel Sr., was a US-educated Philippine government budget officer and his mother was an enterprising fish dealer, one of a privileged few with a choice stall in Divisoria market, one of Manila’s busiest.

    By that year, Evelyn Villar, Manny’s aunt and Manuel Sr.’s sister, had already been a leading lady in movies produced by the major studio LVN. Evelyn hung out with Rosa Rosal, Delia Razon and other LVN stars at the time, and would occasionally sleep over in the Moriones house.

    It was also a time when, candidate Manny Villar would like voters to believe, his family was almost desperately poor, judging from the songs, rhetoric and political ads that have formed the main narrative of his political campaign.

    “Ako, noong first 11 years of my life, talagang squatter kami noong araw. Lahat, dinaanan ko yan,” the senator said two weeks ago.

    In 1962, as Villar was turning 13, his younger brother Danny, then three, died of leukemia, after his family had already transferred from Moriones to the upscale San Rafael Village in North Balut, Tondo (San Rafael village spans the border between Tondo and Navotas).

    But in a political ad that has stopped airing, Villar claimed that his family was so poor then that they couldn’t buy the medicines that could have saved his brother’s life.

    His critics and political opponents have since challenged the veracity of his claims to childhood destitution, leading Villar and his allies to back track a bit and halt some of the more questionable ads proclaiming his pauper roots, including the now famous music ad about swimming in a sea of garbage and spending Christmas on the streets, as if Villar and his siblings were urchins caroling to motorists.

    The argument about the Villar family’s true economic status has become one of the bitterest bones of contention in this overheated political season, and has led to spirited exchanges in the media and on the web about what constituted real poverty in the early 1960s.

    GMANews.TV has spent the past month trying to get to the bottom of Villar’s childhood poverty claims, interviewing neighbors, family members, and retired and active fish vendors who used to source their fish from Manny’s mother, Curing. She was acknowledged by both family members and her fellow-fish dealers as the entrepreneur in the family, and whom the candidate credits for teaching him the rudiments of business.

Leave a Reply

Your email address will not be published.