Hindi nasama sa OFW sa Africa, mister nagbigti

NAGBIGTI ANG ISANG mister matapos hindi nakasama ang pangalan sa unang batch ng Overseas Filipino Workers upang magtrabaho sa Africa sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot ng buhay sa Pagamutan ng Lungsod ng Malabon si Rogelio Remedio, 53, ng P. De Guzman, Ibaba ng lungsod.

Sa ulat, alas-8:45 ng gabi nang makitang na-kabigti ng nylon cord ang biktima sa loob ng kanilang kuwarto na naging dahilan upang dalhin sa PLM.

Nabatid sa asawa ng biktima na si Elenita, kamakalawa ng hapon ay lasing na umuwi sa kanilang bahay ang biktima at masama ang loob dahil hindi nasama ang kanyang pangalan sa unang batch na aalis patungong Africa.

Nagkulong sa kuwarto ang biktima at nang tawagin upang maghapunan ay laking gulat ni Elenita nang makita nang nakabigti ang asawa.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.