Hindi naman kasi inako ang anak ni Andi Eigenmann Albie Casiño, hindi welcome sa mga Eigenmann

GUSTO KO LANG i-congratulate ang alaga kong sina Tonton Gutierrez at Glydel Mercado dahil nanganak na ang huli ng isang malusog na baby girl nu’ng kamakalawa  ng madaling-araw.

After seven years, ngayon lang nasundan nina Tonton at Glydel ang panganay nilang sina Aneeza. Ang name naman ngayon ng pangalawang baby nila ay Anneka Marie na may timbang na 6.4 lbs.

Ang kuwento sa akin ni Tonton, kamukha raw ni Glydel ang baby at mabuti nga lang normal delivery ito. Halos anim na oras kasing nag-labor si Glydel kaya ise-caesarean na raw sana ito. Pero nang hinahanda na raw ang operating table kay Glydel, biglang inilbas na raw niya ito kaya tinuloy na nila sa normal.

Biniro tuloy ni Tonton na baka natakot daw ito sa gagastusin kaya biglang inire na niya nang bonggang-bongga kaya naging normal na ito.

Magpapahinga muna si Glydel nang ilang linggo at pag-iisipan pa niya kung kailan siya babalik.  Kailangan pa sana ito sa My Binondo Girl dahil na-extend pa ito hanggang next year. Pero gusto muna ni Glydel na mag-focus sa kanyang baby at alagaan daw muna niya ito.

Hay, naku! Dagdag na apo na naman sa akin iyan. Ang dami ko yatang mga anak-anakan ngayon na nagkaanak kaya parami nang parami na kami.

 

NAKAUSAP NAMAN NAMIN sa Startalk si Jaclyn Jose na isa na ring lola pagkatapos manganak ni Andi Eigenmann ng isa ring malusog na baby girl.

Excited siyempre si Jaclyn dahil first apo niya ito. Pero ayaw raw niyang patawag na lola, ang gusto niya, Inay lang daw. Sa interview namin sa kanya, sinabi nitong hindi welcome si Albie Casiño sa kanila. Ito ‘yung napabalitang nakabuntis kay Andi. Hindi naman daw kasi inaako ito ni Albie, kaya bakit pa raw ito pupunta? Kaya raw nilang palakihin ang baby na hindi na kailangang ipakilala sa tunay niyang ama.

Hindi pa rin naman nagsalita si Albie tungkol dito, pero nakunan din ng Startalk ng statement ang ina ni Albie na si Mrs. Rina Casiño. At sinabi nitong gusto niyang i-congratulate si Andi at maganda raw ang baby na isinilang.

Bahagi ng text nito sa Startalk; “In God’s time everything will work out fine.”

Ang sagot naman niya sa sinabi ni Jaclyn na hindi welcome si Albie sa kanila; “I do respect her decision, but I know by the grace of God maayos din ito.”

Masaya naman daw ang buong pamilya Eigenmann sa pagdating ng baby ni Andi kaya kahit wala na raw si Albie sa eksena. ‘Yun na!

 

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Related Post

loading...

11 thoughts on “Hindi naman kasi inako ang anak ni Andi Eigenmann Albie Casiño, hindi welcome sa mga Eigenmann

  1. @ann, palagay ko, hindi si Shebie ‘yan. Impostor. Kasi, si Shebie, talangka at mahilig sa caps.

  2. si Andi ay hindi menor de edad, if im not mistaken she’s 21 yrs. old. im not sure about Albie, but i think he’s over 18. Shebie, check the facts before criticizing other people’s comments.

  3. Kung ako si Andi,DNA na kung DNA. Two words for Albie, CHILD SUPPORT. kaya ayaw tanggapin ng nga Casino, dahil it means 18 years na responsibilidad or 23 years kung magko-kolehiyo. Sabagay, diyan sa Pilipinas, kung minsan, hindi nila naipipilit ang financial support. Dito, obligasyon mo. Puwedeng lagyan ng lien ang bahay mo o tanggalin sa suweldo mo, utos ng korte.

  4. eye of the tiger dami mo sinabi engot kaya nangingialam mga parent kasi menor de edad pa sila andi hehehe my america k pang nalalaman ugok

  5. Bakit galit na galit sila Jacklyn ke Albie gayung sinabi lang naman niya na “no comment” me nabasa ako article dati na sinabi ng mother ni Albie na aakuin naman nila yung responsibility sa bata pero kailangan muna ipa DNA. Kasi hindi magdududa si ALbie kung wala man lang kasing ibang mga boyfriend si ANDI kaya nga sila naghiwalay dahil bukod sa kanya ay may mga ibat ibang boyfriend si ANdi. Kaya kahit nga nung buntis siya ay nakikipag S_X pa siya sa boracay dun sa recent na bf niya. Pero dapat me karapatan pa rin ang bata na makita ang father niya kahit wala na silang relasyon ni Albie. Ang dapat na higit na nagdedesisyon dyan ay si ALBIE AT SI ANDI. hindi ang mga lolo’t-lola o mga kapatid.At kailangan naman talaga na ipa DNA ang bata hindi yun para sa kahihiyan o kung masagasaan ang pride ng babae kundi yun ay para sa tamang pagkilala sa tunay na father ng bata. Kagaya ng GINAGAWA SA US kailangan talaga me DNA TEST lalo pat hindi pa man din sila kasal at sa part ng babae na madaming boyfriend para masabi mong ikaw nga talaga ang tunay na father ng baby at pagkatapos nun ay ang responsibilidad sa bata. Kaya tama lang ang DNA TEST ngayon kung ayaw ng kampo ni Andi malamang natatakot rin siya na baka ang inaakala niya na si Albie ang father ay sa iba pala mag match kaya ayaw nilang ipa DNA TEST ang bata.

  6. Kawawa nmn c kc ngayon lang ny natuklasan ang pagkatao ni piolo pero npk bait n bt c kc kase kahit my ibig sbiin ang lahat ng sinasbi ni kc tungkol ky piolo di p rin ny masabing deritsahan n bakla c piolo ayaw daw ny masira c piolo basahen nyo ang pep s intrvw ni sharon may sinabi seyang kasarian at sekswaledad cno p ang ntatamaan neto? Alam ng maraming tao kung sino npk suwerte ny ky kc ky lang sbi ni kc hindi cy kailangan ni piolo s buhay ny di ny maibigy kailangan ni piolo lagi n lang umiiyak c kc samantala c piolo nkngiti lang pag tinatanong sino b nmn di masasaktan s gingawa ni piolo di ny mgwang mag pklalaki lumabas n ang tunay anyo ni piolo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.