Hindi naman kasal kahit may anak na… Vina Morales, naghahanap ulit ng dyodyowain?

 

“SIGE NA NGA, lovelife na nga!” Iyan ang nasambit na birthday wish ni Vina Morales sa kanyang 36th birthday at 25th anniversary party na pinamagatang “Silver Party with Vina Morales” noong October 17 sa Republiq Bar Resorts World Manila sa Pasay City. Nakakaloka si Mareng Vina dahil naghahanap na nang bago niyang dyodyowain kahit may junakis na ang lola n’yo? Well, hindi naman siya kasal sa tatay ng kanyang little angel kaya puwedeng-puwede pa ring tumibok ang puso ng ating bida. Hindi naman daw maiiwasan ni Vina na mayroong umaligid sa kanya. Aminado rin ang singer-actress na inspired siya ngayon sa kanyang daughter na si Ceana kahit hindi na muna dumating ang inaasam na partner in life, hehe! Ano naman ang hinahanap ng isang Vina Morales sa lalaking darating sa buhay niya in the near future (in the near future daw, o).

Photos by Mark Atienza & Parazzi Wires

By MK Caguingin

Parazzi Chikka
Parazzi News Service

loading...

2 thoughts on “Hindi naman kasal kahit may anak na… Vina Morales, naghahanap ulit ng dyodyowain?

  1. Nababayaran kasi ang pagmamahal sa pera.kung la kayang pera yang si cedric mahalin kaya yan ni vina o sharon sa totoog buhay.Hay naku ang tao talaga pera na ang mukha kaya nga pag may pera ka mabibili mo na ang huwad na pag ibig.hehehehehe

  2. Pingback: Hindi naman kasal kahit may anak na… Vina Morales, naghahanap ulit ng dyodyowain? - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.