Hindi naman ipinagkakaila Manny Pacquiao, suportado ang anak sa ibang babae!

SINELEBREYT NI Manny Pacquiao ang kanyang 33rd birthday sa Gen. Santos City nu’ng kamakalawa ng gabi.

Bongga raw ang selebrasyon kasama ang buong pamilya, pero pili lang daw ang mga close friends na si Jinkee mismo ang namili.

Mas gusto na raw ng mag-asawa na tahimik na lang ang kanilang pag-celebrate kasama ang buong pamilya at ang ilang malalapit na kaibigan.

Ang dami nilang isyung pinagdaanan ngayong taong ito, kaya katahimikan na lang daw ang gusto nila dahil masaya na sila at sabi nga ni Jinkee, malaki na ang ipinagbago ng asawa niya.

Naging madasalin na raw ngayon si Manny at madalas ay nagba-Bible study silang mag-asawa.

Kaya kahit ano pang mga isyung maglalabasan, nagkakaintindihan na silang mag-asawa at ayaw na nilang pansinin.

Ayaw na ring sagutin ni Manny ang paglabas na naman nitong Joana Bacosa na nagki-claim na may anak sa kanya ang ating Pambansang Kamao.

Ang pagkakaalam ko, ina-acknowledge naman ni Manny ‘yun at may suporta naman sa kanila na ibinibigay. Pero ang gusto lang daw nitong Joana na ipakilala naman niya na anak niya ito.

Hindi naman siguro itinatanggi iyan ni Manny, pero huwag na sigurong papa-interview pa sa media dahil alam naman nito ang mga pinagdaanang intriga.

Ayaw namang patulan pa ito ni Manny, kaya sana mag-usap na lang sila nang maayos. Para masaya ang Pasko ng lahat, ‘di ba?

 

KINUMPIRMA NA ng GMA-7 na si Marian Rivera ang ipinalit kay Rhian Ramos bilang leading lady ni Dingdong Dantes sa bagong drama series nitong My Beloved.

Ang alam ko nag-shoot na si Marian ng plug para rito, eh. Type na type yata iyan ni Marian, dahil nu’ng pinag-usapan kung sino ang puwedeng ipalit kay Rhian, gusto na raw niyang siya na ang ipalit. Kahit wala na siyang pahinga, okay lang sa kanya dahil para naman kay Dingdong ‘yan.

Hanggang January na rin naman ang Amaya kaya isang buwan lang yata ang pahinga ni Marian, sasabak na ito ng taping sa My Beloved.

Okay lang sa kanya ‘yun alang-alang kay Dingdong siyempre. Pero siguro, magkakaroon ng konting revision para bumagay na sa kanilang dalawa.

Samantala, nasa Bangkok pa yata ngayon si Rhian kasama ang Daddy niya dahil gusto muna nitong magpahinga at palamigin na ang isyu nila ni DJ Mo Twister.

Nakikipag-date na rin naman daw sa iba si DJ Mo doon sa New York. At si Rhian ay si Sen. Ping Lacson mismo ang nagkumpirma na ang anak niyang si Jeric ang bagong boyfriend. Pero wala pang sinasabi si Rhian tungkol dito.

Tingnan na lang natin pagbalik niya.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

5 thoughts on “Hindi naman ipinagkakaila Manny Pacquiao, suportado ang anak sa ibang babae!

  1. @guttierez clan mal-educados , ahahahahaha, lol, nakakatawa ka, oo nga no sa hirap pa naman ng buhay ngayon, isang tira lang marami na rin ang birada, ahahahahahahaha…….

  2. @maria, hahahaha! Biniro ko nga ang husband ko, sabi ko sa kanya kung siguro nakilala ko si pacman ngayon at niligawan ako eh di na ako magiisip pa, sasagutin ko agad sya kahit na pangit sya o midget. hehehe!

  3. @guttierez clan mal-educados, correct. Kung hindi pa si Manny famous, magkagusto kaya ang mga kababaihan sa kanya, look at how he looks, no offense meant, I’m just telling the truth!!!!

  4. gusto kasi ni joana na kilalanin ni pacman na anak niya ung bata para matikman niya ang kasaganaan na tinatamasa ng mga tunay na anak ni manny. As simple as that.

Leave a Reply

Your email address will not be published.