Hindi nakatiis sa makinis na kutis Dalaga, Pinasok sa CR ng Manyak na Kapit-Bahay

HAGONOY, BULACAN – NAHAHARAP ngayon sa kasong rape ang isang lalaki na hindi nakapagpigil sa init ng katawan nang makita ang makinis na kutis ng kanyang kapit-bahay sa Brgy. San Miguel sa bayang ito.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt.Rolly Santos kay PNP Provincial Director P/S Supt. Fernando Mendez, Jr., kinilala ang nadakip na suspek na si Miguel Crisostomo Y Guevarra, 42 anyos, may-asawa; samantalang ang biktima naman ay itinago sa pangalang Cherry, 22 anyos, kapwa residente sa nabanggit na barangay.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ng mga awtoridad, ganap na alas-9 ng gabi nang maganap angpanghahalay sa biktima sa loob ng kanilang tahanan.

Ayon sa salaysay ng biktima, kasalukuyan siyang nasa loob ng kanilang comfort room nang bigla na lang siyang pasukin ng suspek na umano’y lasing sa alak, kung saan agad siyang sinibasib ng halik

ng suspek, at matapos ito’y agad siyang dinala sa isang kuwarto at dito’y sapilitan syang hinubaran at ginahasa ng kanilang kapit-bahay.

Nabatid na pilit siyang nagpumiglas sa suspek, kung saan nakiusap pa ito, subalit sa halip na tumigil,

binantaan pa umano siya ng suspek na ‘wag magsusumbong kahit na kanino dahil may masamang mangyayari sa kanyang pamilya.

Dahil sa matinding takot at trauma, agad niyang isinumbong ang pangyayari dahilan upang agad na

madakip ang suspek.

(TONY DELA PEÑA)

 

 

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.