Hindi nakaporma sa responde Bagitong pulis patay sa palyadong boga

LEYTE – ISINISI SA palyadong baril kung bakit nasawi ang isang bagitong pulis na rumesponde sa isang shooting incident sa bayan ng Catarman.

Bukod kay PO1 Jasper Sampaga, na naka-detail sa Northern Samar Police Station, nasawi rin si Randy Bagua sa pamamaril.

Pinaghahanap naman ang suspek na si Ryan Santos, 30 anyos, kapitbahay ni Bagua sa Bgy. Dalakit.

Ayon sa officer on case na si SPO2 Leo Magtayo, alas-8:00 ng gabi nang magtalo sa harap ng isang KTV Bar sina Bagua at ang suspek na nauwi sa pananaksak.

Dito rumesponde si Sampaga subalit hindi pumutok ang service firearm kaya naman sinamantala ni Santos at sinaksak ang pulis.

Makaraang mapaslang sina Bagua at Sampaga ay tumakas si Santos. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.