Hindi nakapag-inggreso Driver tinarakan ng ka-live in

KRITIKAL SA PAGAMUTAN ang isang jeepney driver matapos itong saksakin ng kanyang live-in partner nang hindi nakapag-inggreso ng kanyang kinita sa buong araw na pamamasada, iniulat kahapon ng hapon sa Caloocan City.

Ginagamot ngayon sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center (PDMMMC) sa Caloocan City sanhi ng tinamong malalim na saksak ng kutsilyo sa kaliwang kamay at bukol sa ulo nang batuhin ito ng bato ang biktimang si Elino Villanueva, 39, jeepney driver, ng  No. 1036 Block 3, Julian Felipe Tupda Village, Brgy. 8, Caloocan City.

Tugis naman ng pulisya ang suspek na si Dina Otero, live-in partner, ng nasabing lugar na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-10 ng umaga nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng biktima at ng suspek.

Ayon kay Villanueva, umuwi ito sa kanilang bahay para magpahinga sa biyahe sa dahilang mahina ang kita. Dito, sinita siya ni Otero at hinanapan ng kanyang pang-inggreso.

At nang walang maibigay ay binato ito sa ulo ng suspek, hindi pa nakuntento si Otero at kumuha ito ng patalim at sinaksak ang biktima saka tumakas.

Agad namang dinala ng kanyang mga kaanak ang biktima sa nasabing pagamutan para lapatan ng lunas ang tinamong sugat.       (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.