Hindi naka-enrol sa college Insecticide, nilagok ng bebot

ISANG 18-ANYOS na dalaga ang nasawi habang ginagamot sa Regional Hospital makaraang uminom ng lason na pamatay sa peste kamakalawa ng gabi sa Brgy. Tebag, Pogo, La Union.

Nakilala ang nasawi na si Emily Illumin, 18, dalaga, naninirahan sa nasabi ring lugar at tubong-Samar.

Ayon sa salaysay ng mga kaanak nito na nagsugod sa pagamutan, may isang linggo nang nagtatampuhan ang biktima at ang kanyang ina gawa ng nais munang pahintuin sa pag-aaral ang dalaga dala ng kahirapan ng kanilang pamumuhay.

Pilit namang pumasok ang dalaga nitong pasukan ngunit pinagalitan ng kanyang ina sa nais mangyaring magtatapos siya ng pag-aaral. Dahil dito ninais na ng dalaga na uminom ng lason at magpakamatay kaysa pagtawanan siya ng kanyang kaklase.

Agad namang isinugod sa pagamutan ang dalaga ngunit sa dami ng nalagok na lason, hindi na nagawang nailigtas pa ang kanyang buhay. Laking sisi ngayon ng kanyang mga magulang sa hakbang na ginawa ng kanilang panganay na anak na dalaga. (EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.