HINDI NAGPA-DOUBLE SA ‘CRY NO FEAR’: ELLA CRUZ NAG-BUWIS BUHAY SA PELIKULA

Ella Cruz

ALAM ni Ella Cruz ang mga eksena niya sa suspense-adventure film na “Cry No More” ng Viva Films kung gaano delikado ang mga gagawin niyang eksena.

“Before I accepted the offer, I’ve read the script. Alam ko po ang mga scenes na gagawin ko,” pahayag ng Millennial Dance Princess sa media nang makausap siya ng mga ito.

Muntik-muntikan na kasi natsugi si Ella na kinailangan siya i-oxygen matapos na mawalan ito ng malay during the shooting of the film somewhere in Antipolo.

Personal choice kasi si Ella ni Direk Richard Somes to play the role of one of the sisters (the other one si Donnalyn Bartolome) dahil sa petite and fragile built niya na akmang-akma sa role na ipo-portray nito sa pelikula kung saan pinasok ang bahay nila ng mga uninvited guests kung saan gusto sila patayin ng kanyang kapatid.

Small but energetic (dancer si Ella), pero sa mga eksenang pinagawa sa kanya ni Direk Richard at sa sunod-sunod na mga eksenang nakakapagod, hindi nakayanan ng dalaga ang huling eksena niya reason para himatayin siya.

“It’s a challenge for me. I’m thankful at inoffer sa akin ang role. I’m thankful kay Direk (Richard) at ako ang napili niya.

Ella Cruz and Donnalyn Bartolome

“I need to level up in my career. I want to prove na hindi lang ako pang-pa cute movies tulad sa mga ginagawa ko before. With this movie, sana maiba na ang impression ng public sa akin na pasayaw-sayaw lang po ako” sabi ni Ella.

Sa Wednesday, June 20 na ipapalabas ang pelikula na form sure ay hitik ito sa mga eksenang sisindak sa natin , knowing Direk Richard na forte niya ang mga suspense-thriller movies na alam natin ay doon siya magaling.

Tonight, Monday, catch the stars of Cry No Fear at SM Megamall at 7 in the evening para sa red carpet premiere night ng pelikula.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.