Hindi nagli-live in, pero…
Luis Manzano at Jennylyn Mercado, may love nest?!

KAHIT ANONG deny nina Luis Manzano at Jennylyn Mercado na hindi sila magka-live-in, patuloy pa rin ang issue na ito tungkol sa kanila. Nabalita na nga may pad ang dalawa para may sarili silang privacy. Ang actor pa nga raw ang naghanap para sa kanilang love nest.

Sa nasabing pad, dito raw sila nagpapahinga at nagpapakaligaya tuwing wala silang taping or shooting. ‘Yung bang walang commitment pareho sa trabaho. Nagagawa nila ang gusto nilang gawin na walang mang-iistorbo o mangangalampag sa kanila. Iilan lang daw sa mga kaibigan nina Luis at Jenny ang nakakaalam nito, ayon sa aming source.

Habang tumatagal ang relasyon nina Jenny at Luis, lalong tumitindi ang pagmamahal nila sa isa’t isa. Kung ang binata lang ni Ate Vi ang tatanungin, ready na itong mag-settle-down. Nakapagpundar na ito para sa magiging pamilya niya in the near future. Pero para kay Jenny, ayaw muna niyang madaliin ang mga bagay-bagay at baka pumalpak na naman siya sa bandang huli. Happy na raw siya sa takbo ng kanilang relationship ni Luis for now. So, bakit kailangang maging kumplikado ang mga bagay-bagay ? Dapat daw maging masaya sa piling ng mahal mo. Huwag hanapin ang wala, maging kontento sa kung anong mayroon ka.

Para kay Luis, sana nga si Jennylyn na ang itinakda na maging kapalaran niya dahil sa lahat daw na nakarelasyon nito, iba ‘yung feeling na naramdaman niya sa dalagang ina. Minahal niya ang mag-ina na walang pagkukunwari at first time in his life, naramdaman niya, the true meaning of love. “It’s a beautiful feeling when your in love, alam ni Jenny ‘yun,” say ni Luis.

Ilang taon na rin naman ang relationship nina Luis at Jennylyn, lalo silang pinagtitibay ng panahon. Walang humahadlang sa kanilang pagmamahalan. Pati nga si Gov. Vilma Santos at Edu Manzano ay boto sa actress para sa kanilang anak. Panalangin namin, huwag sanang sirain ng intriga ang relasyon nina Luis at Jenny.

 

USAP-USAPAN NGAYON ang paghiwalay nang landas nina Wenn Deramas at DJ Durano. Ilang beses na ngang na-blind item ang dalawa sa mga tabloid hanggang pinangalanan na kung sino sila. Kinausap agad namin si Direk Wenn para linawin ang issue ito tungkol sa kanila ni DJ. Isang masayang Wenn ang humarap sa amin sa shooting ng Mama Mia na pinagbibidahan nina Maricel Soriano at Eugene Domingo.

Tinanong namin si Direk Wenn kung totoong wala na nga sila ni DJ? Isang matunog na halakhak ang naging tugon niya sa tanong namin. Hindi man niya sinagot ang aming katanungan, nangangahulugan itong totoo nga ang balita.

Ang tanging nasabi ni Direk Wenn, “Binitawan na siya ng manager niya, si June Rufino, kaya’t hindi na siya kasama sa mga pelikula ko.”

Sundot uli namin kay Direk Wenn, kumusta ang personal life? “Personal life? Masaya ako dahil mayroon akong anak. Kumpleto naman ang nangyayari sa buhay ko. Kung ano ‘yung wala, hindi ko hinahanap, ‘yan ang pinagyayaman ko.”

‘Yung isang tao (DJ Durano) na dati’y napaka-importante sa buhay mo, bigla yatang naglaho sa mga pelikula mo, bakit nga ba? Bago sinagot ni Direk ang tanong namin, tumawa muna ito nang pagkalakas-lakas. Sabi niya,“May tamang panahon, oras, lugar para pag-usapan ‘yan at mangyayari ‘yun.”

‘Yun na. Oo nga naman, mangyayari ‘yun sa presscon ng Bromance ni Zanjoe Marudo on Sunday. Abangan…

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

Related Post

loading...

5 thoughts on “Hindi nagli-live in, pero…
Luis Manzano at Jennylyn Mercado, may love nest?!

  1. well ang mga ibang reporters and writers lang naman ang mahilig magpumilit sa issue at mahilig mag intriga like this one na pilit sinasabing mag live in.

  2. well there are audience who are kilig with them and besideswho cares about the kilig what mattters is that theyare happy

Leave a Reply

Your email address will not be published.