Hindi nagkasundo sa presyo Bayarang bebot, binugbog ng kostumer

BUGBOG ANG INABOT ng isa umanong bayarang bebot matapos mayamot ang costumer dahil hindi nagkasundo sa presyo sa loob ng isang motel sa Caloocan City kamakalawa ng umaga.

Kulong naman si Rolly Colima, 28 ng Anonas Road, Potrero, Malabon City .

Batay sa ulat, ala-1 ng umaga, pumasok ang suspek at ang biktimang edad 22 sa loob ng Astrotel Motel sa Bonifacio Monument Circle ng lungsod at nag-check-in.

Makalipas ang ilang sandali ay nabulabog ang Astrotel nang makarinig ng kalabugan sa kuwarto ng suspek at nang puntahan ay nakita ang biktima na bugbog-sarado na.

Dinala ang suspek sa presinto kung saan nalaman na nayamot ito matapos tumangging makipag-sex ang biktima nang hindi magkasundo sa presyo.       (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.