Hindi naging 1st honor
High School Student, Nagtangkang Magpakamatay

ISANG SECOND year high school student sa Lagonglong, Misamis Oriental ang nagtangkang magpatiwakal ma-tapos mabigong maging first honor sa kanilang eskwelahan.

Sinabi ng ina ng 17-anyos na estudyanteng si “Rose” na dinatnan niyang nagsusuka ang anak at may itak sa kama nito.

Hinala niya, uminom ng lason si “Rose” at nagsaksak sa sarili.

Samantala, nagpapagaling pa sa pagamutan ang estudyante.

Ikinagulat naman ng mga kaklase ni “Rose” ang tangkang pagpapakamatay nito dahil sa honor. Pero paliwanag ng kanilang guro, magaling naman talaga si “Rose”, pero naungusan ng ibang kamag-aral kaya naging fifth honor.

Payo naman ng isang guidance counselor sa mga magulang ng dalagita na huwag pagagalitan bagkus ay tulungan ang mga anak sakaling nahihirapan sa klase.

Sa ngayon, posible aniyang nakaranas ng depresyon si “Rose” kaya nagtangkang magpakamatay.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.