Hindi nagbigay ng beer Tricycle driver, Grinipuhan ng Kapwa Driver

KULONG ANG isang tricycle driver matapos pagsasaksakin ang kapwa driver na hindi nagbigay ng beer sa una makaraan madaanan ang huli na tumotoma sa tindahan sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Nahaharap sa kasong frustrated murder si Ramil Ignacio, alyas Bagwis, 39 ng Rodriguez 1, Hulong Duhat ng lungsod.

Inoobserbahan naman sa Tondo Medical Center sanhi ng saksak sa kaliwang kili-kili at kaliwang kamay si Ernesto Pireto, 24 ng Celia 2, Bayan-bayanan ng lungsod.

Sa ulat, alas-10:30 ng gabi, nadaanan ng suspek ang biktima na mag-isang umiinom sa tindahan sa Celia 2.

Lumapit ang suspek at humirit ng beer sa biktima su- balit deadma lang ang huli na ikinairita ng una bago umalis.

Makalipas ang ilang sandal ay bumalik ang suspek na may dalang patalim bago pinagsaksak ang biktima.

Matapos ang insidente ay dinala ang biktima sa TMC habang nadakip ang suspek sa isinagawang follow-up operation.

(MARY H. SAPICO)

 

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.