Hindi nagbayad ng hotel bills; Koreano, kalaboso

DAKIP ANG isang 46-anyos na Korean national dahil sa hindi pagbabayad ng hotel bills sa isla ng Boracay.

Kinilala ang salarin na si Kim Jin Soo, taga-South Korea at pansamantalang nanunuluyan sa isang hotel sa Station 2, Sitio Bulabog, Brgy. Balabag sa isla.

Ang banyaga ay inaresto dahil sa reklamo ng pamunuan ng Agos Hotel dahil sa hindi nito pagbabayad ng hotel bills na umaabot sa P8,000.

Lumalabas sa impormasyon na nag-check-in ang dayuhan bilang walk-in guest sa nasabing hotel at makalipas ang halos isang linggong pananatili ay nagbayad pa ito ng kanyang bill.

Ngunit, tumanggi na umanong magbayad nang magpa-extend ng apat na araw kaya isinumbong na sa Boracay Tourist Assistance Center (BTAC).

Nagtangka pang tumakas ang suspek ngunit nahuli ito sa D’Mall area ng pulisya.

Sa ngayon, si Soo ay nakatakdang sampahan ng kasong estafa.

Samantala, napag-alaman na may warrant of arrest din ang Koreano sa kanyang bansa dahil sa kasong estafa.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.