Hindi Naalok ng Tagay, Nanaksak; 1 Patay, 1 Sugatan

ISA ANG NAMATAY habang isang factory worker ang sugatan nang saksakin ng isa nilang kapit-bahay na nagalit matapos na maka-limutang alukin ng tagay ng alak sa Valenzuela City, iniulat ng pulisya kahapon.

Dead on arrival sa Valenzuela City Medical Center si Ryan Villanda, 25, residente ng Block 1, Molina St., Viente Reales ng nasabing lungsod, sanhi ng saksak sa kaliwang dibdib.

Dala naman ng kawalan ng pera, nagpagamot na lang at hindi na nagpa-confine sa nasabing pagamutan ang kainuman nitong si Rolan Lomibao, 23, construction worker, ng No. 423 Molina St., ng nasabing lugar, matapos magtamo ng malalim na saksak sa kanang balikat.

Nakatakas ang suspek na si Rommel San Juan, 33, may asawa, kapit-bahay at kasamahan sa trabaho sa pagawaan ng fish ball ni Villanda.

Sa report ni PO2 Rodrigo Tumabaga ng Station Investigation Unit (SIU) ng Valenzuela Police, bandang alas-9:30 ng gabi, nag-iinuman ang mga biktima sa labas ng kanilang bahay.

Dumaan umano sa harap nila ang suspek at hindi ito napansin dahil sa madilim. Ilang saglit ang lumipas, bumalik si San Juan na may dala nang patalim at sinaksak sina Villanda at Lomibao.

“Nagalit siguro ‘yung suspect, kasi hindi sina naalok ng tagay kaya nanaksak,” ani PO2 Tumbaga.

Kasong Murder at Frustrated Murder ang isinampang asunto sa suspek. (ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.