HINDI MARUNONG MAGPAHALAGA ang singer-actress na ito sa kaibigan niyang manunulat.

HINDI MARUNONG MAGPAHALAGA ang singer-actress na ito sa kaibigan niyang manunulat.

Nakasama niya ang writer at nagkatrabaho pa sila pero noong birthday ng hitad ay hindi man lang niya naalalang imbitahin ang pobreng writer. Ang nakakatawa pa, ang mismong boyfriend pa ng singer ang nag-imbita sa manunulat para dumalo sa birthday ng mang-aawit. Siyempre, out of delicadeza, hindi umapir ang writer sa birthday ng singer.

Tsugi na pala dapat ang singer sa isang musical variety show. Nanggaling mismo ang tsismis sa isa niyang malapit na kamag-anak. Hindi lang natuloy ang pagtsugi sa kanya kasi nakialam ang bago niyang manager at ginawa yatang panangga ang kanyang sikat na aktor na alaga, para hindi alisin ang beauty ng singer na malapit nang malaos.

(Alex Brosas)

loading...

2 thoughts on “HINDI MARUNONG MAGPAHALAGA ang singer-actress na ito sa kaibigan niyang manunulat.

Leave a Reply

Your email address will not be published.