Hindi makatulog, nambugbog!

SI PO1 REGGIE Roldan ng legal service department ng Eastern Police District (EPD) ay isang uri ng pulis na nambubugbog kapag nabubulabog. At kapag minalas-malas pa ang taong nambulabog kay Roldan, matitikman nito ang makalaboso. Ito ang eksaktong nangyari kay Jefferson Ramos.

Noong Lunes, October 4, 2010, bandang 2:00 a.m., si Jefferson ay nakikipagkuwentuhan sa kanyang girlfriend sa tabi lamang ng bahay ni Roldan. Naingayan ang pulis sa pag-uusap ng dalawang magkasintahan kaya sinugod niya ang kinaroroonan ng dalawa at walang sabi-sabi, inuntog niya ang ulo ni Jefferson sa pader at pinalo pa ng baril ang mukha nito.

Pero hindi pa nagkasya roon ang ginawang pagmamalupit ni Roldan kay Jefferson dahil kinaladkad pa ng pulis si Jefferson patungong presinto. Pagdating ng presinto binuhusan niya muna ito ng mainit na tubig at saka ipinasok sa kalaboso.

Ang dahilan sa pagwawala ni Roldan ay sapagkat naingayan daw siya sa kuwentuhan ng magkasintahan at bukod doon, kinakatalo daw siya ni Jefferson at sinusungkit umano ang kanyang mga T-shirt sa sampayan.

Nakarating sa isang kagawad ng barangay ang ginawa ni Roldan kaya sumugod ito sa presinto at pinakiusapan nito ang pulis na huwag nang ikulong si Jefferson at huwag na rin itong saktan dahil wala naman talaga itong kasalanan. At dahil doon, pinakawalan si Jefferson.

SA GINAWANG PAG-IIMBESTIGA ng WANTED SA RADYO (WSR) kay Roldan, lumitaw na ito ay dating galing sa operations unit ng EPD at sinibak ng hepe roon dahil sakit siya sa ulo ng nasabing departamento at itinapon sa legal department. Napag-alaman din ng WSR na si Roldan ay sakit sa ulo rin ngayon ng bago niyang unit.

Ayon sa bagong hepe ni Roldan na si S/Supt. Marner Dasayon, nabulyawan niya ito kamakailan lang dahil sa hindi pagpasok sa trabaho. Ito rin ang sakit ni Roldan nang siya ay nakadestino pa sa operations.

Napag-alaman din ng WSR mula sa mga listeners na nakapakinig habang ini-ere ang sumbong ni Jefferson na abusado talaga si Roldan sa kanilang lugar. May dalawa pang pulis na mismong kasamahan ni Roldan ang tumawag sa WSR at sinabing dapat daw ay ipa-drug test ito sapagkat ang pagkakaalam nila, si Roldan ay isang diumano’y shabu user.

Sa mga oras na isinusulat ang artikulong ito, nakikipag-ugnayan na ang grupo ng WSR action team para magsampa ng kasong kriminal at administratibo laban kay Roldan.

Shooting Range
Raffy Tulfo

loading...

5 thoughts on “Hindi makatulog, nambugbog!

  1. Mas Gago talaga yan si PO1 Reggie Roldan, adik na pulis, USER at Pusher.. eh kung ultimong ako na ama nya, binubogbog kayo pa kaya.. di ba sumikat nga yan sa imbestigador nung mahuli syang gumagamit ng Shabu sa loob ng CR nila live na nakuha ang mag sha shabu nya.. Pag iyan kasi napikon may kalalagyan kau dyan.. Mayabang yan, at wala na sa tamang pag iisip..walang inatupag kundi mag shabu at uminom..ultimong mga kababayan nya galit sa kanya.. 

  2. Eh napakalaki din palang ulol ng Jefferson na yun, alas 2 ng madaling araw nakikipag kwentuhan, dapat lang sa kanya ang bnigay na aral ng pulis patola na si Roldan. Pareho dapat idrug test yan isama nyo na pati yung syota ni Jefferson. More power.

  3. hahahaha…. tama ka dun artistahin. dapat pati si jefferson pa drug test din, dahil kung walang tama ng drugs alas dos ng umaga gising at nakikipagkwentuhan pa. At eto namang pulis na toyoin, dapat sinisibak na para di pamarisan. ala naman palang bilang, sakit pa sa ulo…buset!

  4. Gago naman ang Jefferson na yan.
    2 AM na, nakikipagkwentuhan pa sa tabi ng bahay ng mebahay? Syempre, kapag nabulahaw ka at nasira ang tulog mo, magagalit ka talaga.
    Sobra nga lang ang ginawa naman ng pulis na yan.
    Sana sinabuyan na lang yong Jefferson at syota nya ng ihing galing sa arinola, para matigil na sila. Mga walang galang sila sa mga natutulog.
    Sana pumunta sila sa may Bayalk o sa Luneta at dun nagkwentuhan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.